TD - 47

63.5K 1.4K 683
                                    

CHAPTER 47

CASIMIR’S POV

Seven o’clock ang usapan naming magkikita kami pero napaaga ata ako ng onti at 6:30 na andito na ako sa tree house na meeting place namin. I texted them where are they but they all replied the same thing, “On the way na”.

Then, I guess I just have to wait here.

Magbabasa na lang dapat ako nang may humintong sasakyan sa harap ko. Bumaba mula sa shotgun seat si Alex at ibinaba rin ng driver ang bintana do’n.

“Ikaw ba si Casimir?” tanong ng lalaki, hindi ko alam kung paano niya ako nakilala.

I nodded. “Ah opo.”

The man smiled. “Ingatan mo ‘yang anak ko ha. Mahal ka niyan.”

“Tito!” sigaw ni Alex at kumindat ang lalaki at umalis na. He must be her mom’s boyfriend.

Tinignan ko si Alex na nakayuko. She looks pretty in her nude colored dress. Nakatali ang buhok niya at minimal makeup ang gamit.

“You look pretty.” I said.

Hindi siya tumingin. “Thanks.”

“Very pretty.”

Nag-angat siya ng tingin at umupo na lang sa bench.

“Asan na sila?” She asked.

Naupo na rin ako pero magkabilang dulo ang pwesto namin. Medyo awkward. “On the way na raw.” Sagot ko na parang obvious na iyon ang sagot ng mga kaibigan namin.

“As always, on the way na sa banyo.” She chuckled.

Natawa na rin ako. “So kamusta ka naman?” sabay naming tanong sa isa’t isa. Nagkatinginan kami at napangiti.

“Ah ano, hindi pa kasi kita nakamusta talaga simula nung dumating ka eh.” She continued.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon