Chapter 46:❤️Together Again

779 26 9
  • इन्हें समर्पित: dixnnee
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

Kinabukasan nakalabas na rin ng hospital si Quen kaya naka-uwi na rin ako sa amin. Ako na rin yung humingi ng tawad para kay DJ dahil sa mga sinabi niya kay Quen.

Pagdating sa akin hindi niya ako kayang intindihin pero pag ako sobra-sobra ang pag-iintindi ko sa kanya. Tinignan ko ang cellphone ko at kahit isang message wala akong natanggap sa kanya. Balik na naman kami sa dati na ganito yung nagkakagalit na dalawa.

Kailangan ko pa bang humanap ng paraan para suyuin siya? Para okay na ulit kami? Diba dapat mga lalaki ang gumagawa ng paraan? Bakit parang sa relasyon namin parang kailangan ako pa ang gagawa ng paraan?

"Ate may balita kagabi sa Tv Patrol na ikaw daw ang nag-alaga kay Quen sa hospital nung na-aksidente ito?" Tanong naman sa akin ni Patrick pagka-uwi ko.

Dahil sa pag-aalaga ko sa kanya kaming dalawa naman ngayon ang naintriga. Pero sabi ko sa mga reporters nagkataon na ako lang ang kasama niya kaya ako na ang nagbantay sa kanya.

"Ahh oo ako nga ang nag-alaga kay Quen" Sagot ko naman sa kapatid ko.

"Okay naman ba si Kuya DJ? Kasi sa pagkaka-alam ko seloso yun lalo na't Padilla. Okay naman ba kayo? Baka kasi mamaya nagselos siya kasi inalagaan mo si Quen" Mind Reader ba tong kapatid ko? Bakit niya alam?

"Okay naman kami pero medyo nagkaroon ng unting tampo sa akin yung tao. Cge akyat na muna ako sa kwarto ko" Umakyat na muna ako sa kwarto ko paramakapagpahinga na muna.

Tsaka ko na iintindihin si DJ kapag nakapag-pahinga na ako. Ayokong maging ma-pride na tao kaya ako na ang susuyo sa kanya.

-Daniel Padilla Point of View-

"Kuya kanina mo pa hawak yang cellphone mo. Kumain ka na kaya muna" Sita naman sa akin ng kapatid ko na si JC.

Kahit isang call o text wala man lang siyang ginagawa. Hindi niya ba alam na nagtatampo ako sa ginawa niyang pagpili kay Quen kesa sa date namin?

"Hinihintay ko kasing mag-text o tumawag si DJ sa akin" Sabi ko naman kay JC. Kaming dalawa lang dito sa hapag-kainan kumakain dahil sina Maggie at Lelay nasa eskwelahan pa. Si mama naman busy sa work.

"Bakit? Nag-away nanaman ba kayo?"

"Nabalitaan mo ba yung nangyari kay Quen?"

"Alin! Yung nadisgrasya siya tapos si Ate Julia ang nag-alaga? Kaya ba hindi siya nakapunta sa date ninyo? Yun ba yung dahilan?"

"Tama ka. Yun nga ang dahilan"

"Alam mo kuya dapat sa tuwing nagkakaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ni Ate Julia sana ikaw ang kumilos para magkabati kayo. Hindi yung naghihintayan kayo sa isa't-isa kasi kung palaging ganun walang mangyayari sa inyo. Magpapasko na, ilang linggo na lang hindi pa rin bakayo magkaka-usap?"

Napa-isip naman ako sa sinabi ni JC. Magpapasko na nga at pangit naman yata kung hindi kami nagkikibuan na dalawa. Bakit ba kasi palagi na lang akong nilalamon ng selos eh. Dapat iniintindi ko si Julia kahit na para kay Quen yung pag-aalaga niya nung araw na yun.

Masisisi ba niya ako kung sobra ko lang talaga siyang mahal? Normal na yata sa aming mga Padilla ang magselos ng ganito kaya sana mapagpasensiyahan nila kami.

Pagkatapos naming kumain ni JC naghanda na ako para sa shooting ng Princess and I 2 months na lang at matatapos na ang serye kaya sobrang thankful ako dahil makakapag-pahinga na ako although may gagawin kaming movie ni Kath. Balita ko sina Julia and Coco magkakaroon din ng Movie eh sabay yatang ipapalabas yun kanila tsaka sa amin.

A Life In Star World [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें