Chapter 42: Magical

2.2M 54.3K 21.9K
                                    

CANDICE

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko kay Stacey. Hindi maalis 'yongbtingin niya sa picture na kanina pa niya hawak. Ano kaya 'yon? "Baka matunaw 'yan," biro ko.

"Ang gwapo pala ni Ginno?" nanlaki 'yong mata ko sa gulat. Si Ginno pala 'yong kanina pa niyang pinagpapantasyahan. Seriously? She's into Ginno? Bago 'yon ah.

"Paalala ko lang, eight years na kayong magkakilala tapos ngayon mo lang napansin na gwapo siya? 'Yong totoo, late bloomer ka?" Nag-pout siya bigla.

"Kanina kasi, muntik na akong madapa sa corridor pero nasalo niya ko. Ang lapit ng mga mukha namin. Doon ko lang na-appreciate 'yong mukha niya. Ang nakakawindang pa, nag-slow motion bigla 'yong paligid." May bigla akong naalala. 'Yong slow motion na naramdaman ko no'n kay Jeydon. Hindi kaya...

"Am I liking him?"

"Based on experience, oo."

"Hindi naman masama. Gwapo siya tapos maganda ako." Tapos tumawa siya. Ang hyper niya ngayon. Ganyan ba nagagawa ni Ginno sa kanya? GinCey? Ginno at Stacey. Gosh! I didn't see it coming.

Naalala ko tuloy bigla si Paulo. Paano na lang 'yong pinsan ko kung magkakagusto na si Stacey kay Ginno? Ngayon pa naman aynumamin na siya sa 'kin na gusto niya talaga si Stacey. Kailangan maging kupido ako sa kanilang dalawa. Aba, mas boto ako sa pinsan ko. Alam ko na 'yong gagawin ko.

"Sumama ka pala mamaya sa 'kin." Tumaas agad 'yong kilay niya sa sinabi ko.

"Saan naman?"

"Dito..." Kinuha ko 'yong bag ko pagkatapos ay kinuha ko 'yong invitation na binigay ni Paulo sa 'kin tsaka ko inabot kay Stacey.

"Master Bunny's Magical Show?"

Ngumiti ako nang malapad sa kanya. "Yes, Juan Paulo's first-ever show here sa Philippines. Isn't it great? Kaya sasama ka sa'min mamaya."

"Great? Ang boring no'n. "Sa tingin pa lang sa mukha niya, halatang wala nga siyang balak sumama.

"Makikita ko na naman si Juan Paulo? Nakakaumay na. May kasama ka bang iba mamaya?"

"Kasama natin sina Marky at Ginny mamaya. Gusto kasi namin ni Marky na malibang naman si Ginny kaya pupunta kami roon." Akala ko mahihirapan pa rin ako na pasamahin siya pero mukhang wala na siyang violent reaction.

"Okay, then, pupunta na ako." Muntik na manlaki 'yong mata ko sa gulat. Talaga bang pumayag siya? That's easy, huh?

"E di masaya! Text ko na agad si Paulo." Excited akong nag-text kay Pinsan. For sure, matutuwa 'yon at baka mas lalo siyang ganahan mag-magic mamaya. Ayie! Ako kinikilig para sa kanilang dalawa.

This is Oplan: Kupido.

Ako na 'yong papana sa puso nilang dalawa. Excited na tuloy ako! Sooner, magiging Mrs. Gonzales na si Stacey.

Pumasok pa si Stacey sa isa niyang subject kaya tumambay muna ako sa may canteen. Wala akong magawa kaya nilabas ko 'yong name plate ni S and B. Kapag nakikita ko 'to, bigla akong kinakabahan—para sa sarili ko at para kay Jeydon. Ayoko nang maulit pa 'yong nangyari sa amin dati. Ayokong isa sa 'min 'yong masktan ulit. Tama nang nangyari 'yon dati.

Kailangan kong makita agad si Jeydon at malaman kung sino sina S and B. Kailangan ko silang maunahan sa masamang binabalak nila. Ayoko nang maging mahina, lalaban na ako. Kailangan kong pagtagpiin lahat ng mga nangyari.

Hindi ako sigurado kung sila 'yong nakasakay sa motor no'ng gabi ng birthday ni Stacey pero alam ko na konektado lahat ng mga nangyari. Nagsimula lahat ng 'to roon sa sulat na nakita ko sa locker ko at 'yong motor na muntik nang bumangga sa 'kin doon din sa araw na 'yon. Akala ko nagkataon lang o aksidente lang 'yong muntik nang pagbangga sa akin ng motor pero malakas ang pakiramdam ko na hindi.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon