Chapter 41: Independent

2.1M 51.2K 36.2K
                                    

JEYDON

"Ayan 'yong gagawin mo, okay?" Tumango ako kahit na hindi ko masyadong naintindihan 'yong sinasabi niya. Bahala na si Doraemon.

"Kailan po ako magsisimula?" Tanong ko pagkatapos ay tumaas bigla 'yong kilay niya. Ang taray naman niya.

"Aba, ngayon na! Go! Magtrabaho ka na!" sigaw niya sa 'kin.

Sa gulat ko, napaalis na agad ako sa loob. Nakakatakot naman 'yong manager na 'yon. Ang sungit tsaka parang halimaw kung magwala. Gano'n ba kapag matandang dalaga na? Imbes na mainis, medyo natawa na lang ako. Mukhang mahihirapan ako sa trabaho ko rito.

"Two orders of coffee for table number five." Binigay sa 'kin no'ng waitress dito 'yong order. Natigilan ako kasi hindi ko alam kung nasaan 'yong table. Akala ko sisigawan din ako no'ng babae pero ngumiti lang siya. "Ayon sa dulo 'yong table number five." Tinapik niya 'yong balikat ko tapos umalis na siya. Nagpunta ako agad doon sa table na itinuro niya tapos binigay ko 'yong order nila.

Bumalik agad ako sa counter at nakita ko ulit 'yong babae kanina.

"Bago ka, 'no? Ako nga pala si Sabrina, pero Brina na lang for short. Ayoko na ng Sab. Masyado nang common." Ang amo ng mukha niya. Tingin ko, mabait siya. "Anong pangalan mo?"

"Jeydi," sagot ko. Nagsasawa na ako sa gwapo kong pangalan kaya Jeydi naman. Maiba lang.

"Ayos 'yang pangalan mo ha. Pang-bad boy pero mukha ka namang mabait." Napangiti na naman siya. Ngayon lang ako nasabihan na mukha akong mabait. "Ito, sketch ng mga table number para hindi ka na malito." Inabot niya sa 'kin 'yong sketch pagkatapos ay tiningnan ko agad. Hindi naman pala mahirap kabisaduhin.

"Brina, two orders of coffee para sa table six at ikaw naman," turo niya sa 'kin. "Itong coffee para ro'n sa table two."

"Work muna. Maya na lang, Jeydi," sabi niya tapos hinatid na niya 'yong order at gano'n na rin 'yong ginawa ko. Hinatid ko na 'yong isang malaking brewed coffee sa table two.

"Enjoy your coffee, ma'am," sabi ko.

"Jeydon Lopez?" Nagulat siya nang makita niya ako. Pamilyar 'yong mukha niya pero hindi ko na masyadong maalala. "I'm Stella, schoolmate mo rati sa Xavier." Hindi ko pa rin siya matandaan. "Hindi ako makapaniwalang nagtatrabaho ka rito."

"Ah, mahabang kwento. Sige, may mga order pa ro'n e." Nagkunwari na lang ako na may gagawin para hindi na niya ako mausisa. Ang hirap ipaliwanag. Unang araw ko pa lang sa trabaho, may nakakilala na sa 'kin.

Mag-iisang oras na akong naghahatid ng mga order. Nakaramdam na agad ako ng pagod. Si Brina, kanina pa siya nandito pero mukhang wala siyang kapaguran. Ang galing niya.

Napalingon ako sa labas pagkatapos ay nakita ko si Stella na umalis na ng shop. Nagulat ako kasi hinihintay siya no'ng pinsan ni Candice sa labas. Magkarelasyon kaya sila? Pero buti na lang umalis na siya. Medyo naiilang ako kapag nakikita ko siya. Paano na lang kaya kapag 'yong mga kilala ko talaga ang makita ko rito?

Nagpatuloy na lang ako sa pagbibigay ng orders. Magdadalawang oras na akong nagtatrabaho at sobrang pagod na ko. Umupo muna ako sa gilid para magpahinga.

"Wow, nakakahiya naman sa 'yo," sita sa 'kin ni manager. "So ano? Binabayaran ka rito para umupo lang at magpahinga? Gano'n na ba 'yon?" Ang sungit niya talaga.

"Pasensya na po manager." Tinarayan na naman niya ako. Palagi kaya siyang ganyan?

"Pasensya? Anong gagawin namin sa pasensya mo? Kikita ba kami riyan? Hala sige, magtrabaho ka na!" sigaw niya sa 'kin.

Buti na lang walang masyadong tao kung nasaan kami kung hindi nakakahiya. Hindi sa part ko kung hindi sa coffee shop mismo. May sarili kaming business at hindi maganda na pagalitan mo 'yong employee mo sa mismong workplace.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon