Chapter 38:❤️Bhutan Taping (KathQuen)

906 22 3
  • इन्हें समर्पित: KQ_Watty
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

"Oh ito na yung Magazine ko oh!" Binigay naman sa akin ni Julia yung Magazine niya na kung saan siya ang Cover girl ng Cosmopolitan Magazine. Nandito kami sa bahay niya hindi pwede sa bahay ko dahil magagalit si mama.

"ANO TOH!?" Pasigaw kong tanong sa kanya na may halong inis.

"Magazine" Simpleng sagot naman niya.

"Nagpapatawa ka ba Julia? Oo alam kong Magazine toh pero bakit ganito ang ayos mo!?"

Paano ba naman kasi yung suot niya dito naka-pink na dress tapos masyadong pinakita ang katawan niya. Masyadong sexy. Showy na showy ang dating niya dito kaya nainis ako.

"Ano namang masama diyan sa ayos ko? Okay naman diba?"

"Anong okay!? Hindi okay toh sa akin! Masyadong showy! Paano kung bastusin ka ng mga lalaki dito sa ayos mo ng bilihin nila toh?!"

"Relax ka nga lang DJ ganyan pa nga lang ang pose ko diyan galit na galit ka na eh paano kung umabot na ako sa age na 25 hindi ganyang damit lang ang isusuot ko dun mas kitang-kita na ang katawan ko"

"AY HINDI! HINDI AKO PAPAYAG! PAPATAYIN KO YUNG MAG-AALOK SA IYO NA MAG-POSE KA SA MAGAZINE NA GANUN SINASABI KO SA IYO!"

"Ang OA mo mag-react"

"Syempre ayoko na may nakakakita ng sexing mong katawan noh dapat ako lang"

"Ikaw talaga! Alam mo pagdating ng panahon magpopose ka din ng ganyan. Lahat ng artista dumadating sa point na ganyan noh"

"Ibig mong sabihin magsusuot din ako nito?" Gulat kong tanong sabay turo sa damit na suot-suot niya sa may Cosmopolitan Magazine.

"Hahahaha! Hindi! I mean like si Quen nakita mo ba yung magazine niya sa Garage Magazine? Ganun! Nakahubad ang itaas pero naka-shorts mga ganun ba"

"Wala nga si Quen dito sa Pilipinas binabanggit mo naman ang pangalan niya"

"Nagseselos ka naman?"

"Oo! Kasi mahal kita!"

"EHEM! Kuya DJ magmeryenda ka muna oh" Sabi naman ni Patrick sabay kapag ng tray sa may lamesa na nasa harapan namin.

"Salamat" Sabi ko naman sa kanya.

"Siya nga pala diba nasa Bhutan na ngayon sina Kath and Quen?"

"Oo yata alam ko ngayong oras na toh ang landing nila sa Bhutan eh. Sana maging masaya silang dalawa dun"

-Enrique Gil Point of View-

"Wow! Ang ganda dito sa Bhutan!" Nagsisisigaw at nagtatatalon naman si Kath pagkababa na pagkababa namin sa eroplano.

Kung dati natutuwa pa ako sa mga kilos niya na ganyan ngayon hindi na dahil naiinis ako sa kanya lalo na nung marinig ko ang plano niya na paghiwalayin sina DJ at Julia.

"Quen! Hindi ka ba masaya na nandito tayo sa Bhutan?" Tanong naman niya sa akin. Paano naman ako mag-eenjoy kung siya ang kasama ko? Depende kung si Julia eh masaya pa ako.....SOBRA.

"Nope! I'm not here to enjoy myself. I'm here para magshooting ng Serye nating dalawa" Sabi ko sabay suot ng earphones ko. Akala siguro ni Kath naka-on na ang sounds kaya may sinabi siya sa akin na hindi maganda.

"Ang pangit mo!"

"What did you say? Pangit ako?" Sabi ko sabay tanggal ng earphones ko. Akala niya hindi ko narinig yun ah.

A Life In Star World [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें