CHAPTER 37 [EDITED]

190K 3.7K 69
                                    

Update Date: 08/08/19

*MARION'S POV*

"Oh? Bakit andito ang lahat ng Class 4-6?"

"I'm sure, they are in trouble again."

Minsan sarap pagbuhulin ng mga dila nito. Sakit sa tenga ng mga taglish nila.

"Hindi kami, kundi KAYO!"

"KAMI?!"

Tumawa ang buong Class 4-6 dahil sa mga naging itsura ng Popu Girls.

"Teka nga, bago pa gumuho yung office ko. Kayong Class 4-6, sabihin niyo nga kung ano talaga nangyayari at pinapunta niyo pa dito ang Popu Girls?"

"Well, it's my turn Mr. Head Teacher, in this past few days, Ms. Karissa Asajar suffered from different incidents."

"ANO??!! Si Ms. Asajar?!?!" Gulat na gulat na reaksyon ni Head Teacher.

"So? Ano naman connection namin dun?" Napangiti naman kami sa tanong ni Monique. Iyon pagkakatanong niya sa amin ay parang wala talaga silang connection.

"Your connection? You had a BIG connection, Ms. MONIQUE JALANDONI."

"What? Me?"

"Not only YOU, the THREE OF YOU!!"

"Do you have any proof?"

"Good question."

"So? Ano na? Nasaan na yung sinasabi mong proof?"

"Huwag kang excited. Here they come."

May pinapasok si Vince. At kitang kita sa mukha ng Popu Girls ang pagkagulat at pati na rin si Karissa. Syempre, makikilala niya ang tatlong lalaki na pinapasok ni Vince.

"Mr. De Vera, sino naman itong mga ito?"

"Sila lang naman po ang mga taong gustong kumidnap kay Karissa in her first incident."

"Eh ano naman connection ng Popu Girls dito?"

"Sila lang naman ang nag-utos sa tatlong ito."

"How sure are you, Mr. De Vera? Ang liit-liit lang ng proof mo."

"Hindi pa naman kasi ako tapos. Ms. Jalandoni, diba kayo ang may-ari ng CMJ Tires?"

"Yeah, kami nga. So?"

"Then maybe, sa inyo ito?"

"Ano yan, Mr. De Vera? Bakit may hawak kang cheque?"

"Ito lang naman ang pinambayad ni Ms. Jalandoni sa tatlong ito."

"Of course, not!"

Hindi napigilan ng isa mga tatlong ito ang magsalita.

"Ms. Monique! Huwag na po kayong magsinungaling."

"Binayad niyo po ito sa amin."

"Excuse me, hindi pa rin sapat yan."

"Hazel is right. Madami na rin nagkalat sa tabi-tabi na fake cheque."

"And you all know na, nanakawan yung office ng daddy ko."

Ayos itong Popu Girls ah. Talagang may palusot pa talaga sila. At mukhang effective naman.

Tinapik naman ni Japs si Vince sa balikat.

"It's my turn, Bal."

"Ano naman sayo Mr. Guevarra?"

"PASOK!"

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon