CHAPTER 29 (EDITED)

237K 4.5K 533
                                    

Update Date: 08/18/2018

*KARISSA POV*

"You stay here"

Hindi ko makalimutan un huli niyang sinabi. Kaya napa-oo na lang ako sa sinabi ni Nathan. Masama ba yun loob niya?

"Galit yata sa akin si Marion."

"Ano? Bakit naman magagalit sayo si Marion. Paranoid ka ba, Karissa?"

"Hindi ako paranoid, Japs. Obvious naman kanina na ayaw akong kasama ni Marion. Masama loob nun dahil nasaktan siya ng dahil sa akin."

Nagulat na lang ako dahil naramdaman kong may gumugulo ng buhok ko.

"Tama nga si Bal. Masyado kang paranoid, Karissa. Hindi magagalit sayo si Marion. Magtiwala ka sa amin."

Bakit parang may ibang meaning si Vince sa sinabi niya? Si Marion, di magagalit sa akin? Eh lagi ngang highblood yun sa akin.

"Karissa, kahit sabihin din namin kay Marion yun sinabi mo kanina. Hindi niya rin kami hahayaan sumama sa bahay niya."

Anong ibig sabihin ni Josh? Isa nga pala siya mga classmate namin.

"Dahil si Nathan lang ang pinapayagan niyang makaalam kung nasaan ang bahay niya."

"Teka, ibig sabihin pati kayo hindi niyo rin alam kung saan nakatira si Marion?"

Minsan talaga, hindi maiwasan ni Ciara ang maging tsismosa. Pero salamat sa kanya, iyan din ang gusto kong itanong sa kanila.

"Oo. Tanging si Nathan lang nakakaalam dahil alam niyo naman lahat na simula pagkabata magbestfriend na sila."

"Pero kaibigan din niya kayo, bakit hindi niyo alam iyon? Huwag niyo sana masamain, wala ba siyang tiwala sa inyo?"

May point ka Rayne!

"Kung sa tiwala lang, sobra ang pagtitiwala ni Marion sa amin. Pero syempre, mas higit parin talaga kay Nathan kasi mag-bestfriend sila since childhood. Kami mismo yung may ayaw na magtanong tungkol sa buhay ni Marion." sagot ni Vince.

"Nirerespeto namin ang desisyon ni Marion sa pagtatago ng kanyang dark secret. Kung ayaw niya sabihin sa amin, then we have nothing to do with it. May dahilan siya kung bakit tinatago niya sa amin yun at tanggap namin yun."

Hangang hanga talaga ako sa pagkakaibigan nila. Ang masasabi ko lang talaga, walang makakasira at makakapantay sa samahan nila. Wala.

Matapos mag-check ni Japs ng phone, lumapit siya sa akin.

"Karissa, patext nga ako."

"Huh? Bakit sa akin pa?"

"Ikaw madaldal dyan eh." Ano daw?! Dahilan ba yun para makitext siya sa akin?

"Eh, Japs diba—" sabay inapakan ni Japs ang paa ni Vince. Ano ba ang nangyayari dito??

"Aray!! Ang sakit naman nun Bal!!"

"Ay, sorry Bal. Hindi ko sinasadya." Grabe, hindi niya sinasadya yun? Eh feeling ko sobrang namamaga na yung paa ni Vince. Hindi nalang na nagsalita ang kawawang playboy.

"Uy, Karissa. Pahiram na ako."

"Ito na nga oh, kukunin ko na." Mas mabuting ipahiram ko na itong phone ko kay Japs kesa mas maraming pang paa ang maaapakan.

Inabot na rin nina Ciara at Rayne yung bag ko para makuha ko yung phone ko. At sabay bigay kay Japs.

"Teka, ito ba yung Top 2 most expensive phone sa buong mundo??!"

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon