CHAPTER 21 (EDITED)

246K 4.6K 179
                                    

Update Date : 08/18/2018

*THIRD POV*

"STUDENT COUNCIL PRESIDENT?!?!!!!!"

Lahat ng tao sa court maliban sa class 4-6, gulat na gulat parin. Pero walang masisisi, ngayon lang nila nalaman na may nabubuhay palang student council sa school nila.

"Teka, kailan pa naging student council president si Marion?"

"Sinu-sino naman yung ibang mga officer?"

"Bakit wala man lang nag-announce ng tungkol dyan?"

"Ipinakilala na ba sila? Absent ba kami nun?"

"Sagutin niyo naman kami."

"Oo nga. Wala man lang kaming alam dito sa school namin."

"Tanong kayo ng tanong dyan, paano naman namin masasagot yang mga tanong niyo?" Irritableng sagot ni Vince.

Natataranta na sila. Alin naman dun yung una nilang sasagutin? Kasalanan ni Marion, yan ang iniisip nila. Ganun ba naman sabihin tapos iwan sila sa ere?

"Nathan, ikaw na nga mag-explain sa kanila."

"Bakit ako?"

"Sino pa nga ba?"

Sino pa nga ba talaga? Edi, siya lang. Yun ang pinakaayaw ni Nathan. Kapag naiiwan siya ni Marion, siya ang sasambot ng lahat ng gawain nung presidente. Wala na siyang choice. Hayaan man niya na yung classmate niya ang mag-explain, walang mangyayari. Pero may biglang umakbay kay Nathan.

"Oo nga naman, Nathan. Ikaw na mag-explain sa amin."

"Hep! Hep! Pwede ba? Huwag ka ngang dumikit sa papa Nathan namin. Hmpf!"

"Tama na nga yan, Coke. Baka isipin pa nila na nababading ka na kay Nathan. Sige, papa Nathan, simulan mo na nga mag-explain. Hahaha!"

Oh, Japs. Bakit nga ba nakalimutan na may mga galing mental sa Class 4-6?

"Anyway girls, totoo yung narinig niyo kanina. Si Marion nga ang School Council President. Nagtataka kayo kung bakit ngayon niyo lang nalaman tungkol dito? Matagal ng may Student Council dito sa Xavier High. Kahit nun Xavier Boy High pa to, may student council na kami. Tinatanong niyo kung bakit hindi man lang inannounce un tungkol dun? Bakit pa? Oo, mayroon talagang Student Council Officers pero parang hindi naman nag-eexist. Well, masama man sabihin, madidismaya lang kayo kung malalaman niyo yung ibang officers."

"Hoy, ang sama mo naman Nathan!"

"Don't tell me Vince, kasali ka sa student council officers?"

"Para naming sinabi mong hindi kapani-paniwalang officer ako."

"Uhm, medyo?"

Halatang-halata sa mga mukha nila ang paghihinala.

"Paano kung sabihin kong student council officer ako?"

Pagmamayabang na sabi ni Vince.

"SI VINCE STUDENT COUNCIL OFFICER?!!" nagsigawan ang lahat ng nasa court except class 4-6.

"Nathan, pigilan mo ako. Kahit mga babae to, kaya kong patulan to."

"Vince, huwag mo silang sisihin kung hindi talaga kappani-paniwala na officer ka."

**KARISSA'S POV**

Nakarating na rin kami ng clinic pero hindi parin ako makapaniwala.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon