CHAPTER 21 : Sexytary

498 15 4
                                    


"What did he do?" Tanong ulit sa akin ni Phoebe nung umalis yung dalawang lalaki para bumili ng pagkain sandali. Hindi ko na sana siya sasagutin pero sobrang higpit ng hawak niya sa braso ko.  



Napahinga ako ng maluwag. "Sinugod ko si Damian, ayun, natakot sakin dahil muntikan ko nang bayagan kaya ayun, nag-usap kami na tanggalin tayo sa listahan." Lies, lies, ebriwer. Dyan ka magaling, Merielle!



"No, he won't just..." Nanlaki ulit mata niya. "Anong pinapagawa niya sa'yo? He's a manipulator, at alam kong may kundisyon yung--"



"Wala nga!" Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa braso ko. "Relax ka lang, okay? Saka kung may ipapagawa yun sa akin, sa tingin mo ba magpapatalo ako sa kanya?"



Tinignan lang niya ako tapos nagsisimula na naman siyang magluha. "Sorry, Merielle. Nadamay ko pa kayo. Hindi ko inaasahang--"



"Don't worry, Phoebe. It will be okay." Kahit ang totoo labag sa loob itong mga ginagawa ko. 



"Are you going to tell me about his bargain?" Talagang hindi siya marunong sumuko. "Please, Merielle. Hindi ako makakatulog ng maayos. Please."



Napahinga ulit ako ng napaka-lalim. "Kukunin niya ko bilang secretary." Sabi ko habang tumitingin sa paligid just in case na dumating na yung boys. 



"What?" Napatayo siya sa sinabi ko. "Gusto mo bang---"



"Sandali lang, Phoebe." Pinara ko siya. "Sumang-ayon lang ako sa kanya dahil gusto kong i-save ko kayong lahat sa lecheng listahan na yan, at para naman ma-save tayo sa sinasabi ninyong hell sa New Gen na 'yan."



Sunod-sunod yung iling niya. "No, Merielle. Mas kakayanin mo pang  mag-stay sa New Gen kesa sa pagiging secretary ng lalaking 'yun. He's... cruel and a control freak! You will regret this--"



"Nag-usap na kami eh. Okay na 'yun."



"But the list! Hindi naman nababago 'yun! Official na 'yun!" Sigaw niya. Nanigas lang ako sa sinabi niya. Anong hindi na pwedeng baguhin? Eh sabi ni... "Sa tingin mo nagsasabi siya ng totoo, Merielle?!" Napahilamos siya ng mukha.



"Yung contract..." bulong ko, at tuluyan nang bumagsak yung balikat ko. "Kakausapin ko ulit siya. Tatanungin ko--- leche babasagin ko na talaga yung itlog nun eh---"



"No." Sabi niya. "Don't come near him again, hindi natin alam ang tumatakbo sa isip niya." Hinawakan niya yung kamay ko. "Thank you for the concern, Merielle. Thank you for going this far, and I am sorry."

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now