Chapter 20: Candice day

2.6M 60.5K 43.9K
                                    

"Hoy, prinsesa! Gising na!"

Hindi ko minulat 'yong mata ko. Nanatili pa rin akong tulog. Ayoko pang bumangon dahil ang sarap ng tulog ko.

"Hoy, prinsesa! Gising na!"

Kinuha ko 'yong cellphone ko tsaka ko pinatay 'yong alarm ko. Alam kong pangit 'yong boses ko kaya ginawa ko siyang alarm tone.

Bumalik ulit ako sa tulog. Malamig ngayon kaya masarap matulog lalo na kapag malambot 'yong kama mo. Malapit na sana ulit akong makabalik sa dreamland ko kaso...

"What the?!"

Ang init ng tubig! Basang-basa 'yong mukha ko! Nagising 'ata buong katawan ko. Tiningnan ko 'yong nagbuhos sa 'kin ng mainit na tubig. Nakangiti pa siya sa 'kin. Aba, nagagawa pa niyang ngumiti sa 'kin? Akala niya wala lang 'yong ginawa niya sa 'kin. Humanda siya.

"Kuya Charles!"

"Good morning, manang. Miss mo na bang mabuhusan ng tubig kada umaga?" Kinuha ko 'yong unan ko pagkatapos ay binato ko sa kanya 'yon. Bwiset! Hindi ko miss 'yon! "Ito naman, mainit na tubig naman binubuhos ko ah?"

Tumayo ako para harapin siya. "Ah mainit lang? E ikaw kaya buhusan ko kapag natutulog ka? Kahit kailan ka talaga, Kuya! Hindi ka pa rin nagbago."

"Ikaw lang naman 'yong nagbago e." Bigla akong natigilan sa sinabi ni Kuya Charles. Sobrang laki ba ng pinagbago ko para sa kanya? "Gumising ka na."

"Ano sa tingin mo, Kuya? Hindi pa ako gising sa lagay na 'to? Sige, tulog pa ako. Nananaginip lang nga," sarcastic kong sabi. Natawa lang siya. Hay. Hopeless ba 'to si Kuya?

Lumapit sa 'kin si Kuya pagkatapos ay inakbayan.niya ako. "Ikaw naman, naglalambing lang si Kuya sa 'yo e." Tapos tumawa siya. Wow, ang sweet niya maglambing ha. "Happy Birthday, Manang!"

"'Yon lang? 'Asan regalo ko?" Tiningnan niya ko. Sumeryoso 'yong mukha niya. Akala ko totoo na e, kaso bigla ulit siyang tumawa. "Anong nakakatawa?"

"Naalala ko lang 'yong regalo ko sa 'yo. Panigurado ako, magugustuhan mo 'yon!" Mukhang masama 'yong kutob ko sa regalo niyang 'yan ha. "Mamaya pala, may party na nakahanda sa 'yo." Ha? Party?

"Hindi 'ata ako na-inform?"

"Surprise party kasi e."

"Ah surprise? Kaya pala sinabi mo na sa 'kin." Hindi ko mapigilan 'yong tawa ko. Napakamot na lang ng ulo si Kuya. Surprise pala ha? "Saan naman 'yan gaganapin? Ha, Kuya?"

"Secret! Masu-surprise ka talaga!" Tawa siya nang tawa. Kinakabahan na talaga ako sa mangyayari mamaya. "Sige alis na ko. Oo nga pala, umalis sina mama kaya ikaw lang muna tao rito. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka."

Bongga kaya 'yong party na nakahanda sa 'kin? Umaga pa lang parang naghahanda na sina Mama. Kung ano man 'yang party na 'yan, basta masarap 'yong pagkain na ihahanda nila, masaya na ako.

Bumaba ako para kumain pagkatapos ay nagpalit ako ng damit pangtakbo. Kailangan ko nang mag-jog ulit. Leche kasi 'yon si Blake e. Ang laki na raw ng tyan ko? Parang hindi naman pero sige, mag-e-exercise na ulit ako para wala silang masabi.

Dinala ko si Cholo sa pag-jog ko.Tumakbo ako sa buong subdivision. Nagdalawang ikot lang ako tapos dumiretso naman ako sa park. Umupo ako para magpahinga at para laruin si Cholo. Ang saya na makapag-jog ulit. Feeling ko, pumayat agad ako.

"Hija..."

Nanlaki 'yong mata ko. Medyo nakakatakot 'yong boses. Isang boses ng matandang babae. May multo ba nang ganito kaaga?

"Hija..."

Lumingon ako sa likod. Muntik na akong mapatalon kay lola. Mukhang pamilyar 'yong itsura niya. Nakita ko na ba siya dati?

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon