Chapter 12: Selos much

3.1M 59.2K 11.3K
                                    

JAYSHIN

Bad trip na Tammy 'yon ah. Hindi na ako ni-replyan. Palagi na lang siyang gano'n. Pakipot pa kasi siya sa 'kin, alam ko naman na gusto niya pa rin ako e. Alam kong hindi siya makakatanggi sa kagwapuhan ko.

Bakit ba kasi gano'n 'yong mga babae? Ang gulo nila, ang hirap nila intindihin. Ang hirap nila ispelengin. Pabago-bago sila ng isip. Aish! This is so confusing. Buti pa kaming mga lalaki, madali lang intindihin.

Napatingin na lang ako sa bintana ng kotse. "Brian, teka nga. Ihinto mo."

Napatingin ako do'n sa babaeng bumibili ng tinapay sa bakery. Parang kilala ko siya e. Hindi lang ako sigurado. Pamilyar na pamilyar 'yong mukha niya.

"Young Master, male-late na kayo sa school."

"Bababa na ako rito. Maglalakad na lang ako kaya mauna ka na." Bumaba agad ako ng kotse ko. Masungit 'to si Brian unlike sa kapatid niyang si Baron. Baka mamaya, hindi pa niya ako payagan na maglakad lang.

Nasa likod lang ako no'ng babaeng nakita ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinusundan pero pakiramdam ko kasi siya talaga 'yon e. Pwede nga bang siya 'yon? Wala naman sigurong masama kung aalamin ko 'di ba?

"Lalala... lala..." Teka, 'yong boses na 'yon. Hindi talaga ako pwedeng magkamali. Siya talaga 'yan e.

"Menchi!" sigaw ko.

Lumingon siya. Shet. Siya nga talaga.

"Teka? Jayshin?" Parang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Naalala niya pa ko? Hindi pa rin pala niya ako nakakalimutan. "Ikaw na ba 'yan?" Lumapit agad ako sa kanya.

"Naaalala mo pa ako, Menchi?" Tumawa siya.

"Oo naman! Jayshin Lopez. 'Yong crush ni Tamara!" sabay tawa. Pambihira! Hanggang ngayon, 'yan pa rin 'yong pang-asar niya sa 'kin.

Siya si Menchi Aquino. 'Yong babaeng sobrang kasundo ko noong elementary pa lang kami. Sobrang ganda niya, sobrang bait, at napaka-sweet niya. Crush na crush ko siya dati. Best friend sila ni Tammy dati pero isang araw, hindi na sila nag-usap hanggang sa umalis na si Menchi. Ang tagal na rin naming hindi nagkikita. Bigla na lang kasi siyang nawala kaya hindi ko na ulit siya nakita.

"Buti naalala mo pa ako." Maganda pa rin siya. Hindi pa rin siya nagbabago.

"Oo naman! Ikaw pa? 'Di ba close pa tayo dati? Ayos nga e, ang pogi mo pa rin ngayon." Hindi ko mapigilan na mapangiti.

"Saan ka ba nagpunta? Wala na akong narinig sa 'yo pagka-graduate natin ng elementary."

"Pumunta kasi kami sa States e, pero bumalik na kami rito. Saan ka pala nag-aaral?" Kaya pala. Natuwa ako no'ng narinig ko na bumalik na sila rito. Ibig sabihin lang no'n, makakasama ko na ulit siya.

Isa siya sa mga babaeng nakakasundo ko. Iilan lang naman silang kaya kong makasundo. Wala kasing arte sa katawan si Menchi, unlike Tammy na sobrang arte.

"Sa may Xavier ako nag-aaral. Ikaw?" napangiti siya.

Do'n din ako. Hindi lang ako naka-uniform ngayon kasi kakapagawa ko pa lang ng uniform. So schoolmates na naman pala tayo?" Bigla akong sumaya. May makakasundo na naman ako sa school namin.

"Oo nga e, akalain mo 'yon? Tara sabay na tayo." Kinuha ko 'yong dala niyang bag, katulad din ng ginagawa namin dati. Tumatakas ako sa sundo ko tapos sabay kaming uuwi, dadalhin ko 'yong bag niya. "Medyo late na tayo pero ayos lang 'yan."

"E bakit kasi naglalakad ka? 'Di ba palagi ka namang hinahatid ni Baron or ni Brian?" Anong magagawa ko? E nakita kita.

"Ah? Wala lang. Trip ko lang maglakad ngayon. Isa pa, pinaglakad talaga siguro ako ng tadhana para makita ka." Pareho kaming nagtawanang dalawa.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon