TD - 20

127K 1.2K 566
                                    

CHAPTER 20

ALEX'S POV

Ako ay taong napaka-busy hindi nga lang halata. Eh jusko naman kasi, kailangan maayos na ngayon 'yung preparations para sa Variety Show naming mga 1st year. As an officer, I should do my job.

Uwian na dapat namin pero andito kami sa auditorium para mag-ayos. Sayang din 'yung dapat su-swelduhin ko ngayong gabi. Haaay.

At kahit hindi officer ay andito si Jeremy para tumulong. Nakakatuwa talaga 'tong boyfriend ko, oo.

"Jeremy! White and Red kasi diyan." sita ko sa kaniya. May pine-paint kasi siya na background para sa isang number sa program.

"Ay nako, tapos ko na kasi 'yung white and red. Pangatlo na kaya 'tong ginagawa ko!" sagot naman niya.

"Weh?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinu-tulak tulak papunta sa backstage at andon na nga 'yung white and red na background.

"See?" he said.

"Bilis mo naman." I pouted. Kasi naman parang may inasikaso lang kami ng ibang officer eh ang dami na niyang nagawa.

"Oh well." pagmamayabang niya at bumalik na sa ginagawa niya.

Binatukan ko naman siya, "Yabang mo!"

Tinawanan niya lang ako.

Inutusan ko siya na isabit 'yung ganito sa ganiyan eh kasi matangkad siya kaya niya na 'yan, tapos idikit 'yung ganito sa ganiyan at ang dami ko pang inutos sa kaniya. Hahahaha. Kawawang boyfriend.

Nang matapos kami ay naupo kaming dalawa sa sahig. Ako naka-indian seat at siya naman ay naka-extend ang legs. Siya na pagod. Hehehe.

"Natapos din." I sighed.

"Wala man lang ba 'to additional points sa iba kong subjects?" tanong niya na siyang kinatawa ko.

"Baliw ka ba? Nag-volunteer ka kaya."

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon