TD - 11

135K 1.1K 113
                                    

CHAPTER 11

CASIMIR'S POV

Ngayon ko lang nalaman na nanalo pala si Alex sa election.

Eh pake ko naman kasi 'di ba? Kung hindi ko pa mababasa 'yung mga greetings sa kaniya kagabi sa facebook eh hindi ko pa malalaman.

Kaya ngayon,

"Hey. Congrats." simpleng sabi ko sabay lapag ng Ferrero sa arm chair niya.

Nabigla naman siya at, "Thanks Casimir! Omg ang bait mo naman!"

"Oy Casimir, bakit mo siya binigyan ng chocolate? I smell something fishy ha?" singit naman ni Desiree.

Inirapan ko siya. "'Wag kang malisyosa. Binilan ko din si Geoff kasi pasok siya sa theatro." pero siyempre joke lang 'yon. Bakit ko naman bibigyan si Geoff? TSS.

"Eh si Alex lang babaeng binigyan mo ng chocolates?" this time nakataas na ang kilay niya.

"Si Belle... teka nga bakit ba kailangan ko sabihin sa'yo lahat ha? Tss."

Hinampas naman ni Alex si Desiree. "Des, ano ka ba naman. 'Wag ka nga."

"Bakit? Eh totoo naman eh. All of a sudden naging mabait at sweet siya sa'yo. Anyare teh?"

"Baka nawisikan ng holy water pero ano pa man ang dahilan 'wag ka ng magulo diyan."

Ang ingay leche akala mo naman wala ako dito kung pag-usapan ako. Hay, bwisit.

Mapipilitan pa ako magpabili ngayon ng chocolates para kay Belle. Tss. Eh 'yung binigay ko naman kay Alex nakita ko lang 'yon sa ref.

Dumating si Geoff at Henry.

"Pre! Hindi ka nga sumali sa kung anong org ikaw naman isasali sa lahat ng contest!" bungad sa'kin ni Geoff

"Tss." 'Di ko naman alam pinagsasasabi niya eh.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon