PHASE II: The Dare Of A Mafia Heiress

1.8K 51 16
                                    

All italics are flashback.

**

YUI RANN CHIKAMA

"Aray! Ano ba?! Fuck!" singhal ko kay Raiden nang bigla nalang niyang sipain ang paa ko dahilan upang mahulog ako sa kinauupuan ko.

"Miss Chikama, is there something wrong?" Tanong ng prof na kanina pa nag lelecture sa harap habang ako ay mahimbing ang tulog pero ang balahurang unggoy ay sinipa lang ang paa ko.

"Pakisabi nga kay kuya na wag tumanggap ng unggoy na nagpapanggap na tao sa school niya!" Nakangisi ang gago ng tumayo ako at lumabas ng room.

"Miss Chikama! It's not yet the dismissal of my class!" Rinig ko pang sigaw ng prof. The hell with the lectures! Nakakaantok! Mahigit tatlong taon na din akong nagtitiis. This is my last year at malapit na din ang finals. Mapagbigyan lang ang hiling ni tanda, ayaw niyang mamatay na hindi ako nakakagraduate.

Pagkalabas ko sa building ay agad kong tinungo ang kotse ko. Pagkapasok ko ay hindi na ko nagulat ng makita ang pagmumukha niya sa passenger seat. Tss.

Agad kong pinaharurot ang kotse patungong airport. Hininto ko ito sa tapat ng babaeng nasa waiting shed.

Ibinaba ni Raiden ang bintana ng kotse sa gilid niya.

"Hi miss! Tara hatid na kita." Ang landi.

"Ikaw na naman? Pwede ba tantanan mo na ko!" Pabalang na sinabi ni Autumn. Oo si Autumn Maddison Szade ang kausap niya. Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng maalala ang lahat ng nangyari pagkatapos makaalis nina Patrick.

Agad kong dinukot ang baril sa compartment ng sasakyan ko at dinungaw siya sa bintanang nasa gilid ni Raiden. Nanlaki ang mga mata niya ng itinutok ko ang baril sakanya.

"Hop in or die?" walang gana kong sinabi, wala sa alas-kwartong binuksan niya ang pinto at sumakay sa likuran.

Pinaharurot ko ulit ang kotse papunta sa mansyon. Agad kong natanaw sina Ysabela at Zam na kakagaling lang din sa EU.

"Autumn!" agad dinambahan ng yakap ni Zam si Autumn na naguguluhan sa nangyayari.

Sino bang hindi maguguluhan kung galing ka ng Japan at umuwi ng Pilipinas, hinihintay ang sundo mo sa waitingshed ay bigla nalang susulpot ang isang kotse at tutukan ka ng baril ng driver nito. Sinong hindi maguguluhan kung pag gising mo wala ka ng maalala? Fuck!

"Hi! Bakit kayo nandito? I thought di ko na ulit kayo makikita! Tauhan ba kayo ni daddy at ito na yung mansyon namin?" Bullshit! Agad akong tumalikod sakanila at pumasok, pagkabukas ko sa pintuan ay muntikan ng mahambalos sa mukha ni Yoh ang pinto dahil sa pagsipa ko. The heck? Anong ginagawa niya sa tapat ng pinto?

"Are your balls missing?" Natulala siya saglit at hindi malaman kung lalabas o papasok ulit. Tinaasan ko siya ng kilay nang sumandal lamang sya sa gilid ng pintuan.

"Yours too." Ngiwi niya.

"Gago! Wala akong bola!" Tinignan ko siya ng masama bago tumuloy sa loob at tinungo ang kwarto para matulog. Three fucking years had passed at ngayon ko nalang ulit sya nakita. Damn! Sina Ysa at Zam lang ang madalas siyang dalawin ng palihim sa Japan noon. Her family cuts our connection with her after that day. Inabot pa ko ng dalawang araw para malamang nasa Japan siya at nagpapagaling. I tried not to enter her life again, pinilit ko but it became my addiction. And it kills me.

Nakukuha ko na ang antok ko ng biglang may sumampal sa'akin. The heck! Ilang beses pa bang maiistorbo ang pag tulog ko?

"Nakarating na ko't lahat-lahat hindi mo parin ako haharapin?!" Kumunot lang ang noo ko ng makita si Autumn sa harapan ko. Ang naguguluhan niyang mukha kanina ay napalitan ng pagkainis. Malalim ang bawat hininga niya na sa tingin ko ay tumakbo siya papunta rito.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now