TMH 44

1.7K 58 8
                                    

[THIRD PERSON POV]

Sa bawat pag atras nila ay sya ring paglapit sakanila ng mga sampung lalaking todo ang ngisi. Kakaunting liwanag lamang ang sumisilip sa lokasyon nila, sapat na upang makita kung sino ang kanilang mga kalaban.

Patuloy lang sila sa pag atras hanggang sa maramdaman nila ang likuran ng bawat isa. Saglit silang huminga ng ilang beses upang makahanap ng tamang pagkakataon sa pag atake sa mga gunggong na nakapaikot sakanila ngayon.

Kasabay ng kanilang pagdapa ay siya ring pagkalabit ng gatilyo ng dalawa sa mga armado. Sa tamang anggulo ay imbis na tamaan sina Janelle at Mizuka ay tanging ang dalawang kasamahan ng dalawang nagpaputok ang tinamaan.

Kinuha ni Hannah ang pagkakataong iyon upang sipain sa tiyan ang isa at agawin ang baril nito saka iyon ipinutok sa bungo ng isa.

Walang ano-ano ay pinaputukan din ni Mizuka sa mismong mata ang kalabang inagawan niya ng baril. Hindi pa ito nakuntento ay hinila pa nito ang batok ng lalaki saka iyon pinilipit na parang basahan lang.

Mabilis naman sinipa ni Janelle ang nasa harapan niya saka binunot ang isang kutsilyo mula sakanyang knife pocket na nasa binti nito. Dalawang saksak ang ginawa niya sa dibdib ng kalaban at isa naman sa leeg nito.

Hinila ni Tyron ang braso ng kanyang kalaban saka ito binirahan ng tatlong suntok sa mukha at isa naman sa batok dahilan upang mawalan ng malay ang lalaki. Kinuha niya ang baril mula sa gun pocket ng kalaban saka iyon ipinutok sa tatlong kalabang pasugod sakanya.

"Watch out brad!" tinapik siya sa braso ni Jeffrey ng hindi niya napansin ang isang kutsilyo na lumilipad sa gawi niya na agad namang nasalo ni Jeffrey. Tumango ito bilang pasasalamat saka sumugod ulit sa mga kalabang kanina pa hindi nauubos.

"Akala ko kukunin lang natin yung Exile Stone bakit may putukan na nagaganap aish!" reklamo ni Yelsha kahit na kanina pa niya walang habas na sinasaksak sa leeg ang mga nagtatangkang sumugod sakanya. Akala mo ay naglalaro lang siya ng baseball ang pinagkaiba lang ay isang kunai ang hinahampas ang dulo nito at ang pinupintirya ay ang bawat leeg ng kalaban.

"Alam mo hindi ito magiging exciting kung walang patayan." Sumulpot sakanyang gilid si Julia kasama si Sheena na ngayon ay pinapaputukan na ang mga pasugod sa kanila.

"Carefull ladies." si Ralph na humarang sakanilang harapan at itinuro ang lupang tinatapakan nila. Napangiwi ang tatlo ng makitang muntikan na nilang maapakan ang isang bomba na nakatanim sa lupa.

"Shit." daing ni Jhaszhin ng masipa siya sa tagiliran ng kalaban. Nawala ang kanyang atensyon dahil nakita niya ang pagbagsak ni Cahrys sa di kalayuan. Tumayo siya saka sinapak ang damuhong sumipa sakanya. Kinuha niya ang isang kunai na nakasukbit sakanyang likuran saka ginilitan ang kalaban nito. Mula sakanyang kinatatayuan ay inihagis niya ang hawak niyang kunai papunta sa lalaking may hawak ng baril na nakatutok sa nanghihina niyang kasintahan. Diretso ang tama ng kunai sa braso ng lalaki dahilan upang bumagsak sa tabi ni Cahrys ang braso nito.

"Ugh!" daing ng kalaban at kahit nanghihina ay sinipa ni Cahrys ang binti ng lalaki.

"Fuck! Are you alright?" dinaluhan siya ni Jhaszhin at maingat na binuhat in a bridal way.

"Mukha ba kong ok huh? Ikaw kaya suntukin ko sa ilong?" she rolled her eyes saka kinawit ang kanyang braso sa kasintahan. Kinindatan lang siya ni Jhaszhin saka hinalikan sakanyang noo.

--

YESHICA

"From your right, Micas." bulong ko na siguradong narinig naman ni Micas mula sakanyang micro-speaker na nakakabit sakanyang tenga. Prente lang akong nakaupo at nakaharap sa laptop ko.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon