TMH 30

2K 65 2
                                    

RHENIELYN

"Hoy musta yung exam!" Anak ng! Sinapak ko nga ang gaga, gulatin ba naman ako.

"Kanina ka pa tawa ng tawa Den, umamin ka nga nababaliw kana no?" Tanong ko kay Dennilene na tinawanan lang ako pagkatapos ko siyang sapakin. Nababaliw na talaga siya. Pasalamat siya pinsan kung hindi matagal ko na siyang ipinatapon sa mental.

"Ang ganda ko namang baliw? Hahahaha! Ang epic kasi ng mukha mo! Sayang di ko nakuhanan!" Hmp! Inirapan ko nga.

Nandito kami ngayon sa isang bench kung saan natatanaw sa ibaba yung field ng Exile. Kanina ko pa rin pinagmamasdan sina Zam at Ysabela sa lilim ng isang puno na nasa kabilang dulo kaya sobra ang gulat ko dahil sa biglaang pagsulpot nitong pinsan kong baliw!

"Bukas na yung araw na iyon." Usal ko at hindi ko napigilan ang magbuntong hininga.

"Walang matatapos kung hindi mag uumpisa. Tomorrow will be the start of our journey and that will be end soon." Sinulyapan ko siya na nakatingin na din sa direksiyon nina Ms. Ysabela.

Bukas ay simula ng lahat, ang araw na pinakahihintay namin. Ang araw na dapat dumating upang mabigyan ng katapusan ang lahat. At sa ngayon ang tanging magagawa ko lang ay humingi ng gabay sa itaas para sa buhay naming lahat.

"Tara na nga! Sinisira mo naman yung mood eh. I-text nalang natin yung iba na magkita-kita nalang tayo dun sa ice cream parlor na lagi nating tinatambayan. Kailangan ko ng kainin lahat ng flavor dun! Baka di na ko makabalik hahahaha!" Half meant na biro niya, baliw talaga.

Nang makarating kami ay dumiretso agad si Den sa counter. Seryoso nga ata sa sinabi niya kanina pambihira. Pumwesto agad ako malapit sa may glass wall nitong shop kaya tanaw ko ang mga tao sa labas.

Sa kabilang kalsada ay nakita kong mabilis na naglalakad si Ms. Yui kasama si Eric ng LDR Gang. Bakit naman sila magkasama? Hindi ko alam kung dapat ko ba silang sundan o hintayin na lang si Den para sabihin yung nakita ko. Kalaunan ay napagpasyahan kong lumabas ng shop at sundan sila. Kahit na natatakot ako sa mga pwede kong malaman, pero sa mga panahong ganito ay walang magagawa ang takot ko sa lahat ng mga mangyayari.

Nang makita ko silang sumakay sa isang taxi ay nagdalawang isip na naman ako kung itutuloy ko ba ang pagsunod sakanila. Tsk! Bakit kasi nakita ko pa sila?

Wala na kong nagawa kundi ang pumara din ng taxi at sinundan sila. Halos labing-limang minuto din siguro ang lumipas bago huminto ang taxing sinasakyan nila sa harapan ng isang kumbento. May isang madre ang sumalubong sakanila at pinapasok na sila sa loob.

Bumaba na ko sa taxi at nagtungo agad ako sa likuran ng kumbento. Kailangan kong makapasok sa loob ng walang nakakapansin saakin.

Balak kong talunin yung napakataas na bakod pero hindi ko na nagawa ng biglang may sumulpot mula sa likuran ko at nagdilim ang lahat saka tuluyan na kong nawalan ng malay.

--

DENNILENE

Nang makarating kami sa ice cream parlor na madalas naming tambayan ay agad akong pumunta sa counter para mag order. Nakakatawa mang isipin pero pinapalakas ng ice cream ang loob ko.

Pagkatapos kong umorder ay luminga ako upang hanapin si Rhen kung saan siya pumwesto pero naikot ko na ang buong shop ay wala siya.

Saan naman kaya pumunta yun? Humanap na ko ng mauupuan at tinext na agad ang iba na dito na lamang kami magkikita. Tinanong ko na din si Rhen kung saang lupalop siya nagpunta. Yung isa talagang yun kung saan-saan nagsususuot.

Nilantakan ko na yung ice cream na inorder ko. Ilang segundo lang ay napalingon ako sa may pintuan dahil may apat na lalaki ang pumasok sa shop. Tila may hinahanap sila dito sa loob. Kumunot ang noo ko ng maaninaw yung mukha nung isa sa mga lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay si Zake iyon na tauhan ng mga Chikama.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now