TMH 38

1.4K 59 0
                                    

NOTE: ITALICS ARE FLASHBACKS.

AUTUMN CLARK

"Mom! I'm home!" sigaw ko ng makapasok ako sa bahay. Kakauwi ko lang galing sa bahay ng kapitbahay namin para makipaglaro.

"Honey! Pack-up your things! Pupuntahan natin ang daddy mo!" sigaw pabalik ni mom ng paakyat na ko ng hagdanan.

"Alright mom! But let me take a shower first!" I rolled my eyes. Hindi pa nga ako naka kain ng dinner aalis kami? Kahit kailan talaga napaka hassle kumilos ni mommy.

"Ok. Faster honey and call your ate! Sabihin mo hintayin tayo sa unit niya." Biglang lumambing ang tono ni mommy. Ok. What's happening? Bigla akong napatakbo sa kwarto ko at mabilis na nag ayos.

"Ate!" agad kong bulyaw kay ate ng ilan ding tunog ang nakalipas bago niya sagutin ang tawag ko.

"Hmm?" ungol nito sa kabilang linya. Mukhang kagigising lamang niya.

"Pinapasabi ni mommy hintayin mo raw kami diyan! Papunta na kami." nagmamadali kong sagot habang buhat-buhat ang isang maleta pababa ng hagdan.

"Ok--What? Why?!" hindi makapaniwalang tanong niya.

Sinulyapan ko si mommy na walang tigil sa pabalik-balik na paglalakad habang may tinatawagan na kung sino. Napailing ako.

"You should pack your things. I'll hang-up." sabi ko at pinatayan siya.

"Mom ano ba kasi ang nangyayari?" tanong ko kay mommy na tutok sa pagmamaneho.

"Naghihintay na sa atin ang daddy mo sa airport. We're leaving the country." seryosong sagot nito. This should be really serious. Humalukipkip ako at hindi na nagtanong.

Nang makarating kami sa condo ni ate ay wala na sya roon at tanging isang note lang ang nadatnan namin sakanyang malinis na kama. Sabi roon ay may importante lamang siyang gagawin at susunod rin sa amin. She already called dad and know what's happening. Ako nalang ata ang walang alam sa mga nangyayari.

Dumiretso kami sa airport at sinalubong agad kami ni dad.

"Honey hurry up." salubong niya kay mom at iniabot ang dalawang ticket at passport.

"How about you?" naiiyak na tanong ni mom. Pati ako ay naiiyak na rin. This is really be serious. What's really happening? Fuck!

"I will do the right thing, i will contact you when everything's fine." Wala akong magawa kung hindi ang manahimik at yakapin si dad bago namin siya iwan ni mommy.

--

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng may isang lalaki ang pumasok sa silid kung saan ako dinala kanina. Kanina pa ko abala sa pag-iisip kung ano ang mga nangyayari. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako.

Kumunot ang noo ko ng maaninag ko ng husto ang kanyang nakangiting mukha. Tumayo ako at hinarap siya na ngayon ay humahakbang palapit sa'kin.

"D-ad?" nanginig ang boses ko ng yakapin niya ko. Suminghap ako ng mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.

"Honey. You've grown up. Ang laki muna." sabi niya at unti-unti akong pinakawalan mula sa pagkakayap. Umiwas akong tingin sakanya at unti-unting lumayo.

"Why are you here? Akala ko ay patay kana." mapait na sabi ko at napailing. After so many years, sabi niya ay susundan niya kami. Araw-araw akong naghintay sakanya hanggang sa pagbalik namin sa Pilipinas ay hindi parin siya nakabalik.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon