TMH 42

1.6K 56 12
                                    

[THIRD PERSON POV]

Unti-unti ng napupuno ang isang malaking yatch kung saan gaganapin ang pagtitipon.

Sa paglayo nito sa isla ay nagsilbing isang literatura ang papalubog na araw sa mata ng lahat na nakasakay roon.

Bawat grupo ay may kaniya-kaniyang mundo ngunit hindi parin maikakaila ang tensyon sa bawat isa. They are watching one another moves kung hindi ay pakiramdam nila ay kaunting pagkakamali lang ay may titira sakanila mula sakanilang likuran.

"It's boring." Napairap si Ysabela habang minamasdan ang mga pipitsuging nilalang na nasa ibaba. Nasa ikalawang palapag siya ngayon yate.

"You're more boring than this." Mula sa kung saan ay lumabas si Yui. Naestatwa ng ilang segundo si Ysabela dahil hindi niya inaasahan ang paglapit ng dalaga sakanya.
Nang makabawi ay sinimsim nito ang wine na kanina pa niya nilalaro sa basong hawak niya. Hindi siya kumibo at naghihintay lamang sa susunod na sasabihin ng babaeng nasa gilid na niya ngayon at tulad niya ay nakatanaw sa mga taong nasa ilalim.

"I want you to lose this crap." Napalingon siya sa dalaga, hindi niya napigilan ang pagkunot ng kanyang noo sakanyang narinig mula rito.

"You sayin'?" Tinaasan niya ng kilay si Yui ng ngumisi ito sa tanong niya.

"It's a command." Binalewala nito ang tanong niya at walang emosyon niya itong tinitigan.

"Im not your pet. Pwede ba? Lumayas ka sa paningin ko at baka hindi kita matantiya." Galit ang isinukli niya sa mga titig nito sakanya.

"Then.. I guess you have to deal for the worst." nagkibit balikat si Yui at tinalikuran si Ysabela. Ngunit sa ikalawang paghakbang niya ay napatda siya.

"You are the worst ever happened to me." Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mukha ni Ysa at muling tinanaw ang mga taong nagkakasiyahan na sa ibaba.

"LQ eh?" Panirang singit ni Autumn ang sumira sa momentum ng dalawa.

"Epal eh? Hindi mo man lang hinintay na maghalikan yang dalawa. Edi happy ending na." Mula sa likuran ni Autumn ay lumabas si Zam. Kung dati ay mapang-asar na ngiti ang masisilayan sakanilang apat tuwing magbabangayan ngayon ay masyadong napakaseryosong eskpresyon ang makikita sakanila. It is as if now they are talking with a stranger.

Walang sinuman ang nagtangkang magsalita ulit hanggang sa sumulpot sa kung saan si Raiden at hapitin ang bewang ni Yui.

"Kanina pa kita hinahanap sweetheart." aalma na sana ang dalaga sa sinabi nito ngunit napatikom siya ng may ibulong sakanya ang binata.

"Pano girls kailangan ko munang masolo ang mahal ko." Ngisi nito sa tatlo bago hilahin si Yui palayo.

Nagtaka man ay nagkibit balikat nalang sina Zam at Autumn and as for Ysa ay sino bang makakaalis sa pag irap niya?

--
AUTUMN CLARK

Kahit na nasa malayo ay kitang-kita ko kung paano niya titigan si Yui at ang impaktong lalaki na sumulpot kung saan. Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa lalaking to.

Hanggang sa makalayo sina Yui ay nakatitig pa rin si Yoh sakaniya. Ano kayang ang iniisip niya? Nagseselos ba siya? Pero biglang nagwala ang puso ko ng dumapo sa'kin ang paningin niya. Shit. Kahit napakalayo niya ay sobrang gwapo niya! Napaiwas ako ng tingin sakanya ng kindatan ako ng loko saka nag ngising aso. Nagsisi din ako ng paglingon ko ulit sakanya ay wala na siya. Ay bobo! bakit ba kasi umiwas pa ko tsk!

"So? Sasabihin niyo din bang magpatalo ako sainyo?" nawala ang kalandian ng katawan ko ng magsalita si Ysa.

"Dont worry hindi ko na kailangan sabihin sayo yun. Loser ka naman eh." muntikan na kong mapangiti sa tinuran ni Zam na inilabas pa talaga ang dila para asarin itong isa. Hindi ko aakalain na darating ako sa puntong mamimiss ko ang pagtatalo nila.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now