TMH 60

1.6K 31 0
                                    

YUI RANN CHIKAMA

Ang matinis na pag sipol ni Raiden sa aking tabi ang mas lalong nagpapaantok sa akin. Nakailang irap na ako sakaniya ngunit tanging nakakagagong ngiti lamang ang isinusukli nito sa akin.

Tumingin ako sa aking relo sa kamay. Ilang senaryo na rin ng pagpatay sa mga tangang taong paimportante sa aking isipan ang napagpaplanuhan ko. Sinasayang lamang ng mga ito ang oras ko sa paghihintay.

Isang kasa ng baril at humarap ako sa mga bagong dating. Isang kalabit sa gatilyo at dumaan sa gitna ang bala at tumama iyon sa pader. Kaniya-kaniyang takbo sa iba't-ibang direksyon ang ginawa ng mga ito.

"OMG princess! Papatayin mo ba kami?!" Hiyaw ni Yimhie.

"Kakagising mo lang, pero ang lakas parin ng tama mo! Langya!" Si Saichi na tinatakpan ang kaniyang tenga dahil malapit sakaniya ang pagputok ng bala kanina, sa tabi niya ay si Dennilene.

"We should be happy, she's still Yui." Nakangising sabi naman ni Kenji at lumapit sa akin saka ako niyakap.

I've been coma for a month. Nang magising ako kanina ay sobrang gaan ng pakiramdam ko, ang sarap matulog ng isang buwan.

"Yui!" ang kakarating na si Zam, sa likuran niyo ay sina Autumn at Ysabela na parehonh nakangiti sa akin.

Yumakap ito sa akin at napangiwi ng halos masakal na ako nito sa higpit ng kaniyang pagkakayakap.

"Mahirap talagang mamatay ang isang masamang damo." Ani Ysabela at yumakap rin sa akin.

Tinaasan ko ng kilay si Autumn ng titigan lamang ako nito habang tumutulo na ang mga luha sakaniyang pisngi.

"Yaaah! Hershey! I miss you." Hiyaw nito at dinambahan ako ng yakap. What a kiddo brain.

Nang pumasok sina Tanda at Patrick kasama na sina kuya Maki at Mavi sa Exile Tower ay doon natahimik ang buong hall.

"Alam kong maraming katanungan ang tumatakbo sainyo kung ano ang mayroon sa treasure box--"

"Introduction and the latter, proceed to the point Grand oldie." Sabi ko na tinawanan naman niya. Siniko naman ako ni Raiden.

"Ilabas niyo ang mga kwintas na ibinigay ko sainyo at ang microchip."

Pareho kong inilabas ang pendant at microchip. Lumapit kaming lima sa treasure box na nasa isang mesa. Itinapon ko kay Patrick ang microchip na nasalo naman niya.

"Bawat butas na makikita niyo diyan ay may kaniya-kaniyang susi na kalakop. Agad ninyong malalaman kung anong susi ang hawak niyo sa pamamagitan ng mga letrang nakaukit sa itaas na bahagi ng bawat gilid na may butas."

Ho Cl Eb Ch

Ipinasok ko ang pendant sa isang butas na may letrang Ch. Iniikot ko iyon at isang click ang narinig ko, ganoon din ang ginawa ng tatlo.

Samantalang isinuksok naman ni Patrick ang microchip sa itaas ng box at doon nag liwanag ang treasure box.

Napaatras kami ng biglang nagkaroon iyon ng buhay at gumalaw ng mag-isa. Bumukas ito at isang nagliliwanag na kulay pulang bato ang naroon. Ang liwanag na nanggagaling doon ay parang isang bolang apoy.

"It's the Exile Gem that we found 40 years ago. Sa isang misyon kung saan kami nagkakilala ng apat pang leader ng Exile Ministry, hindi sinasadyang mapunta ito sa amin sa kasagsagan ng aming misyon. Itinago namin ito kahit na hindi namin alam kung ano ang klase ng batong ito hanggang sa malaman namin ni Kento Ryusei ang maaaring magawa ng Bato. Naramdaman ko ang pagkagusto niya sa pag gamit ng bato para sakaniyang kapakanan kaya ko iyon isinilid sa box at itinago." Pahayag ni tanda.

Ang pagkakatitig ko sa bato ay hindi na natanggal hanggang sa muling magsara ang treasure box.

Exile Gem? What can you do?

"Anong maaaring gawin ng bato master?" Tanong ni Sojie ngunit ngumiti lamang si Tanda at tumalikod na sa amin. Kinuha ni kuya Maki ang treasure box at ibinalik sa amin ang mga necklace at microchip saka sinundan si Tanda.

"Tails of death, maiwan kayo." Sabi ko na ikinatigil nila sa paglabas ng tower.

Tinanguan ko lamang sina Autumn upang mauna na. Nilingon ko si Raiden na hanggang ngayon ay nasa aking gilid pa.

"Oo na, see you later babe." Aniya at tumayo na. Inirapan ko lamang siya.

Kitang-kita ko ang kaba nila sakanilang mga mukha ng makalabas na ang lahat at maiwan kami maliban kay Yoh na prente lamang na nakaupo sa gilid.

Pinaikot ko ang baril sa aking kamay.

"I dare you to die." Walang emosyon kong sabi. Napanganga ang mga ito dahil doon.

--
DENNILENE

Sumilay ang ngiti ko ng matanaw ang muling katahimikan sa buong Exile University.

Nabuwag na ang Triad Mafia dahil sa pagkamatay ng dalawang leader nito. Samantalang ang huling kita ko kay Serene ay noong dumalaw ito kay Yui isang linggo ang nakakaraan. She might not be a good human being but she's a mother.

Nakakalungkot mang isipin na may mga nag buwis ng buhay sa mga naganap, maraming mga estudyante ang ikinararangal namin hanggang sa huli naming hukay.

Nilingon ko ang mga kasamahan ko na tulad ko ay may mga ngiti sakanilang mga mukha. Tumagos ang tingin ko kay Myrna ng matitigan ko si Eric na tulala lamang habang sumasabay sa paglalakad namin.

Wala kaming alam kung nasaan na ang mga LDR gang na kasabay ng paglaho ng Triad Mafia ay nawala rin ang mga ito ng parang bula. Ngunit malakas ang kutob kong magpapakita silang muli dito sa Exile. At hindi gaya ng dating wala akong pakialam sa existence nila, sa pagkakataong ito ay matutuwa akong makita silang muli.

--
ERIC

"Ano ng gagawin niyo ngayon?" Tanong ko kay Jaszhinn.

Pumuslit lamang ako saglit pagkatapos ng pagpupulong kanina sa Exile Tower upang makipagkita sakaniya. May flight pa ako mamaya at hinihintay na ako ni Cake.

"Hindi ko alam kung saan mag sisimula, mahirap bumalik sa Exile gayong alam ng lahat na minsan kaming tumalikod sakanila." Sabi nito.

Tinapik ko ang braso niya.

"Take care of Cahrys, alam kong hindi ka niya matitiis. Kung ano man ang nagawa mo ay mapapatawad ka nila." Sinsero kong sabi.

Batid ko ang ginawa niya kay Jeffrey. Kahit na mali ang nagawa niya ay naiintindihan ko siya. Kung ako man ang nasa kalagayan niya ay maaaring magagawa ko rin iyon.

"Salamat pre." Aniya.

"Mauna na ako, magkikita ulit tayo." Sabi ko at iniwan na siya.

Pinaharurot ko ang kotse patungo sa airport. Nang makarating ako ay tumawag si Yui.

"Where do you think you're going?" Bungad nito.

"Pupuntahan ko si Cake. Bye sadistang babae hahahaha!" Sagot ko.

"You're not going anywhere, may ipapagawa pa ko sayo at papasabugin ko ang eroplanong sakay mo sa oras na umalis ka---" pinatay ko ang tawag.

Baliw talaga yun. Hindi naman siguro siya seryoso. Nakangisi akong pumasok sa airport at tumuloy parin sa pag-alis.

**

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now