TMH 13

4.2K 97 0
                                    

SOJIE KYO

"Waaah! Princess papatayin mo ba ko?" Tsk! Bakit kasi ako na naman napagtripan ni princess.

"Hahaha ayos lang yan pare! May kilala akong magaling sa funeral service." pang-aasar ni Kenji.

Nandito kami ngayon sa napakalaking gymnasium sa 5th floor ng mansion. Dito kami madalas nagsasanay o kaya nagpapalipas ng oras.

Wala akong magawa kundi ang umiwas, ayoko naman siyang labanan. Buti pa tong mga 'to pa chill-chill lang at gumagawa ng loombands.

"Lalaban ka o pugot yang ulo mo sa loob ng limang sigundo?"

Tsk. No choice.

Umatras ako ng dalawang hakbang. Kumukuha ng tiyempo sa gagawin ko. Amputs lakas ng tibok ng puso ko, nyemas naman oh.

Itinaas ko pakaliwa ang katanang hawak ng kanang kamay ko, ka level ng dibdib ko. Umatras ulit ako ng isa pang hakbang at sa pagkakataong iyon ay mabilis akong tumakbo palabas ng gymnasium.

"Princess! Mamaya na lang huh! Ipagluluto na lang kita!" paalam ko sakanya bago ako tuluyang makalabas ngunit isang katana ang tumagos sa pinto, malapit sa tenga ko. Nyemas.
--

YUI RANN CHIKAMA

Hinugot ko ang katanang lumusot sa pinto at inihagis iyon sa tapat ni Yoh. Kunot noo lang niyang tinitigan iyon.

"Ako na lang princess." pinulot iyon ni Kenji pero pinigilan ko siya.

"Give it to him." I want to see something about him.

Madali kong iwinasiwas ang katana sa harapan niya at mabilis niyang nakuha ang gagamitin niyang katana at ipinanggalang iyon sa hawak ko. Napa-tsk siya ng titigan ko ang mga mata niya.

Itinulak ko siya gamit ang katanang hawak ko mula sa hawak niya at mabilis akong umikot patalikod ngunit bawat galaw ko ay nasasabayan niya. Umatras ako at napangisi.

Sumugod siya sa akin at walang pag aalinlangang iwinasiwas paitaas ang hawak niyang katana.

"Girlfriend!"  Binitawan ko ang katanang hawak ko ng marinig ko ang munting boses na iyon. Galing sa isang batang matagal-tagal ko na ding hindi nakikita.

Paglingon ko sa pinto ay siyang pagtapat ng blade ng katana ang naramdaman ko sa aking leeg.

"Oh? Bakit di mo itinuloy?" tanong ko dahil naramdaman kong pinigilan niya ang pagtama ng blade sa leeg ko na hindi man lang nagalusan.

"Are you stupid? If you are in a true fight, surely you're dead." sabi niya at ibinaba ang hawak niya.

"Hindi yan ang gusto kong makuhang sagot." This fucking radar is giving me a piece of shit.

"So--fuck! What's wrong with you?" nagambala ang pag-iisip ko ng sipain siya ng batang makulit sa harapan ko.

"Don't do that to her again or else I'll rip your throat!" Sabi ng bulilit na matangkad pa sakin ngayon.

Saan at kailan pa to natutong magsalita ng ganito?

"Sinong nagsabing pwede ka dito?" tanong ko sakanya.

"A-hh." Napatuwid siya ng tayo ng hinarap ko siya.

"Baby Patrick ang laki mo na!" lumapit si Tomoyo sakanya at mahigpit na yumakap dito.

Si Patrick Chikama, 12 years old. Lumaki na siya. Parang kailan lang ng una ko siyang makita. Limang taon na ang nakalipas simula ngayon.

It's 12 midnight when I decided to go out. Labing-dalawang taon pa lamang ako ay sanay na sanay na ko sa pagsakay sa isang motorbike ni kuya. Ginamit ko yun para makalayo sa mansion.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now