TMH 11

4.7K 124 19
                                    

JHAZSHIN TAN

Hindi muna namin magagamit pansamantala ang headquarters habang hindi namin natatapos ang punishment. Sa sobrang inis ko ay nasipa ko ang isang mesa sa cafeteria. Buti na lang ay wala pang gaanong estudyante kundi ay baka sakanila ko naibunton ang init ng ulo ko.

"Kung hindi kasi nagmamagaling yung isa dyan. Ayos na daw, nasaan kaya ang ayos dun?" sabi ni Christoph.

"So anong pinaglalaban mo? Laki ng galit mo sakin huh?” baling ni Jannelle kay Christoph.

"Sinabi ko lang na sana inaayos ng mabuti yung tinatrabaho, madalas kasi tayong napapahamak." Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa pag-aaway nila.

"Hahaha lakas mo makapangsisi!” Jannelle laugh and walk-out.

"Elle!" tawag sakanya nina Hannah at Mizuka ngunit hindi man lang lumingon si Jannelle. Lalo lang gumulo ang lahat tsk.

"Sana suspended for one week na lang." Sabi ni Tyron at napakamot pa sakanyang batok. Mas gugustuhin pa nga naming masuspende dahil bakasyon grande na iyon para sa amin.

"Seryoso talaga sya? Loom bands? One thousand pieces bawat isa satin? Tangina." mura ni Ralph. Napahilot ako sa sentido ko ng maalala ang punishment. Ginagago kami ni Kathleen.

"Waaaah buti nga yun lang punishment. Loom band is love kaya.” Sabi ni Yelsha. Siya lang ang natutuwa sa ganoon.

“I-kain na lang natin to." yaya ni Julia sa amin na may hawak na isang tray ng pagkain.

--

SAICHIE

"Hahaha tanginang punishment yan kagago!" napatawa ako ng maalala kung ano ba yung binigay na punishment sa amin.

Eksaktong twelve o'clock kanina ng tanghali ay nasa Exile Tower lahat ng mga sangkot sa nangyari ng gabing iyon. Sino bang mag-aakala na doon din pala ang bagsak naming lahat.

"Tomo, hindi ba hilig mo yan? Kaya mo na yan." tinapik ni Sojie ang balikat ni Tomoyo na abala sa paghahalungkat sa limang malalaking box.

"Aye! Aye! Basta libre niyo ko icecream huh? Hihihi." Napangiti ako sa sinabi niya. Ayos!

"Di mo kayang mag-isa yan. Tulungan na kita." boluntaryong sabi ni Kumi. Ayos na ayos hahaha. Lakas talaga ng tama nito kay Tomo.

Ako? Wala akong balak magseryoso sa babae. Mga babae lang naman yan, basta gwapo ako tapos!

“Nginingiti mo Saichie? Tumulong ka!” Napalingon ako sa direksyon ni Yeshica ngunit isang plastic bag ang tumama sa mukha ko.

"Pwede mo namang i-abot hindi ba?" yung mukha ko talaga binubugbog nila.

"Ginising l-ang kita, n-ananaginip kana kasi jan tss!" tumayo siya at tumalikod ng lapitan ko siya at titigan sa mata.

"Eh bakit ka namumula?" biro ko.

"Excuse me? Blush-on to!" dipensa niya. Edi shoot.

"Kailan kapa natutong mag make-up? Wag masyadong defensive napaghahalataan." sabi ko dahil allergic siya sa mga pampaganda.

"Ulul. Ngayon lang!" Aniya.

"Sabi mo eh. Mauna na ko." paalam ko sakanila ng tumunog ang phone ko dahil sa isang tawag.

"Yes?" bungad ko sa tumawag.

"Babe. I miss you! Kita tayo mamaya huh?"

"Alright baby Angel." napangiti ako. Chics na naman to.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now