TMH 26

2K 69 3
                                    

YUI RANN CHIKAMA

"Are you inlove with him?" The question is bullshit.

"I think?" And that's answer is more bullshit.

"I think? You mean? My goodness! Naka move-on kana! Naka move-on kana kay Di malabanan? Hahaha" Nag he-hysterical na sabi ni Zam.

"Kunot. Kumukunot. Kumunot. Nangunot. Naging ngungot." Si Ayumi. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hehehe kanina pa kasi nakakunot yang noo mo princess." Tss. I'm spacing out again. Mabilis akong bumaba at dumiretso sa principal office ng Exile High na nasa pinakadulo pa ng Exile University. Nasa iisang kampo lamang ito ngunit kailangan mo talagang mag kotse bago makapunta sa mga buiding ng High school dahil sa lawak nito. Ang Exile tower ang pumapagitna sa dalawang eskwelahan. Kumpara sa Exile University ay masasabing napaka payapa ng aura dito sa Exile high. Tahimik at walang mga estudyanteng nagkalat.

Pinatawag ako roon ng principal dahil kay Patrick. It's either may ginawa siyang kalokohan o may kailangan lang ayusin sa papeles niya. At dahil ako ang tumatayong pangalawang guardian niya bukod kay kuya ay ako ang pinatawag.

"Good afternoon Ms. Chikama. It's a pleasure to have you here. Have a sit." Bungad sakin ng Principal.

"Afternoon." Tipid kong sagot habang umuupo sa tabi ko si Ayumi. At hindi ko alam kung bakit siya sumama hanggang dito. Marahil ay naninigurado siyang wala akong kalokohang gagawin sa principal.

"I have many fucking things to do. Straight to the point Ms. Principal." Naiinip kong sabi at nalaglag ang panga niya. Siniko naman ako sa gilid ni Ayumi. I know. But i can't help it lalo na'y naiinip ako. Kung di lang dahil kay Patrick siguro ay natutulog ako ngayon sa itaas ng puno o pauwi na dahil tapos na ang klase ko. Its already 5:30 pm for fucking sake!

Tumikhim ang matandang babaeng nasa harapan ko bago magsalita. May mga bagay lang siyang hinihingi para sa tuluyang pag tatransfer ni Patrick sa Exile High. May binigay siyang slip kung saan nakasulat ang listahan ng mga dokumentong kailangan.

Kahit na pag-aari namin ang Exile ay sinisigurado ni kuya na maayos ang pamamalakad rito. Kaya wala akong magagawa kahit na gustong gusto kong itapon sa kung saan ang ibinigay na slip ng matanda.

Di na ko nag abalang puntahan si Patrick dahil sa unknown number na nagtext.

"Meet me here at the rooftop of main building." Tumaas ang isang kilay ko at sumakay ng kotse.

"May problema ba princess?" Tanong ni Ayumi sa tabi ko ng makarating kami sa likurang bahagi ng Exile University. I dont do formal parks.

"Pumunta ka sa rooftop ng main building. Catch the dog. I'll wait you here." Utos ko at sumandal sa headboard ng inuupuan ko.

Dumaan ang mahigit tatlumpung minuto ay doon lamang nakabalik si Ayumi. Walang kahit anong dalang aso.

"Ahm princess. Ano kasi." tila naguguluhan at kinakabahan na parang anytime ay sasabog ito sa pagtili.

"What?" Tinap ko ang manubela gamit ang isang daliri ko. Naiinip sa sasabihin niya.

"Ahm kasi may kailangan kang makita sa rooftop. I mean sumama kana sa akin."

"What if I say no?" Pinaghintay niya ko ng mahigit kalahating oras dito para lang sabihing pumunta ako sa rooftop? Sometimes I dont really get people na saksakan sa pagiging tanga ni ultimong simpleng bagay ay hindi maintindihan. They make things more complicated.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now