TMH 43

1.7K 55 1
                                    

[THIRD PERSON POV]

"This is fuck! You should've told me earlier!" Iritadong bulyaw ni Yui kay Raiden habang abala ito sa pag-alis ng bomba na nakatanim sa tagong bahagi ng yacht na sakay nila.

"We're running out of time. We should get these out of here." Napapangiting sabi ni Raiden. Hindi niya mapigilan ang pagkatuwa sa pagkabagot ng babaeng kasama niya.

Nang nasiguro na nilang wala ng bombang nakatanim sa buong paligid ng yacht ay madaling tumalon si Raiden sa isang motorboat.

"Tangina! Kung sumabog mga to?!" Bulyaw niya sa dalaga ng walang ingat niyang inihagis sakanya ang isang kahon. Sa sobrang gulat niya ay muntikan na niyang hindi masalo ang kahon kung saan nila inilagay ang mga bomba. Masyadong moderno ang mga time bomb na ginamit that's why they have no choice but to get these bomb a kilometers away from the yacht at hayaan nalang itong sumabog malayo sakanila.

"Hindi naman sumabog. Ang dami mong reklamo. Paandarin mo na." Naiirita paring bulyaw ni Yui sakanya. Napailing nalang si Raiden ng magtama ang paningin nila. Sakit talaga sa ulo ng babaeng kasama niya.

Nang mapaandar na nito ang makinang sakay nila ay saktong padating na ang mga tauhan ng Ryusei na inaasahan na rin ng binata. Napayuko si Raiden ng paputukan sila ng mga ito habang napapamura si Yui at nakipagpalitan na rin ng bala sa mga kalaban. Hindi naman mapigilan ng binata ang pagtitig sa dalaga habang abala ito sa pagpapaputok sa mga kalaban.

"Just focus your fucking ass with your thing asshole!" Sigaw ni Yui kay Raiden ng muntikan na silang sumalpok sa isang papalubog na motorboat na sakay kanina ng kalaban.

"Sorry babes! Im just mesmerize with your moves." Nakakalokong sabi nito. Marahas namang inihagis ng dalaga ang hawak nitong baril sa gawi ng binata. Buti ay nakailag ito kundi ay nasapol ang mukha nito.

"Walang kwenta!" Naubusan na siya ng bala. Yumuko siya at nag halungkat ng kung ano sa sakay nilang bangka.

"Mga lecheng to, pinapagod ako!" Aniya saka napangisi ng makita niya ang laman ng itim na kahon malapit sakanya. Mga granada iyon na itinabi ni Aden ng inihanda niya ang bangka.

Sunod-sunod ang pagpapalipad niya ng mga granada patungo sa mga kalaban hanggang sa makalayo na sila sa mga ito ng ilang kilometro ay tumigil ang sinasakyan nila.

"May tatlong minuto nalang tayo. Tara na!" Sigaw ni Raiden sakanya. Nasira ang makina ng bangkang sinasakyan nila at ang tanging magagawa nalang nila ay lumangoy palayo dito.

"Bakit ba kapag ikaw ang kasama ko minamalas ako?" Tinatamad na tanong ni Yui sakanya. Napangiti nalang ang binata.

Sabay silang tumalon sa tubig dagat at nag simulang lumangoy palayo sa bangka.

Napahinto si Raiden ng maramdaman nito ang pagkirot ng kanyang braso kung saan siya natamaan ng dalaga noong nakaarang gabi. Hindi man lang namalayan ni Yui ang pagkawala ng kanyang kasama at patuloy lang ito sa paglangoy o wala lang talaga siyang pakialam sa lalaking kasama niya?

Malayo na ang distansya nila sa isa't isa ng tuluyang lumubog si Raiden. Ilang segundo na lamang ba ang natitira? Sa distansya niya ngayon sa bangka ay paniguradong maaabutan pa rin siya ng pagsabog. Wala na siyang lakas upang lumangoy pa. Namanhid na ng tuluyan ang kanyang buong braso dahil na rin sa lamig ng tubig dagat.

"Fuck! Bakit ba napakatanga mo?! Tsk!" Hinihingal na bulyaw ni Yui sakanya. Napangiti ang binata ng marinig na naman niya ang naiiritang boses nito. Ang buong akala niya ay tuluyan na siyang iiwan ng dalaga. Sa huli ay ito parin pala ang magliligtas sakanya katulad ng dati. Napailing na lamang ito ng maalala ang eksena ng una nilang pagkikita.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon