TMH 53

1.1K 35 0
                                    

ZAM HOWARD

"Hindi ba dapat hide and seek yun?" Tanong ko sa kabila ng katahimikang bumalot saamin. Natawa ang iba dahil sa sinabi ko.

"So who's going to be the catcher?" Tanong ni Ysabela.

"I am. At the count of ten. One.. Two.." Yui said. Hinila agad ako ni Kenjie patakbo.

"Wag mo namang bilisan ang pagbibilang princess! May lakad ka? Tsk!" Dinig kong sigaw ni Saichie.

"Dito ka lang, wag kang lalabas hanggat di ako nakakabalik." sabi ni Kenjie. Tumango lang ako, kasya naman kami dito sa nakausling ugat ng isang puno pero hindi ko pa man siya napipigilan ay nawala na agad sya sa tabi ko.

Ilang minuto din akong naghintay ng magpasya akong lumabas. I am feeling so uneasy with the silent when someone grab my wrist and pin my back on the ground.

"Hush." She said, hindi ko maaninag ang mukha niya pero base sa boses ay si Yui iyon. Kumasa siya ng isang beses bago magtago sa isang puno. Ok what's with the gun?

Huli na ng mapagtanto ko kung ano talaga ang nangyayari. Agad akong gumulong at nagtago sa pinakamalapit na puno ng matanaw ko ang tatlong aninong papalapit sa amin.

Nagkakatitigan kami ni Yui.

"Mas magandang lumabas kana sa pinagtataguan mo mahal na prinsesa." Tawa-tawang sabi ng isang lalaki.

Tinaas ko ang mga kamay ko at nakatalikod na nagpakita sakanila. Pagkaharap ko ay nakabulagta na silang tatlo sa lupa.

"Hide." Utos ni Yui pero hindi ako nagpatinag.

"Fuck..you.. Im not weak! I can kick them all to the ground now." Nahirapan pa ko sa pagmumura na iyon. Nakakainis kasi! Kaya ko namang lumaban.

Saglit niya kong tinitigan, nang sigurong makita niya na seryoso ako ay saka niya inabot sakin ang hawak niyang baril.

"Don't be stupid and clamsy." Sabi pa niya at sabay kaming tumakbo.

Unti-unting dumadami ang punong nadadaanan namin. Napakapamilyar nito sa akin. Sa isang gubat kung saan ang makikita mo ay pawang kadiliman lamang.

Agaran ang pagkalabit ko sa gatilyo at natumba ang isa sa mga kalaban. Nakita ko pang napatigil ng saglit si Yui sa pag takbo sa kabilang dulo dahil sa ginawa ko. Nagtago agad ako sa isang puno at tinanguan siya.

Kinasa ko ng isang beses ang hawak ko saka tumakbo patungo sa isang pang puno kasabay ng pagkalabit ko ng gatilyo. Mukhang nasasanay na ko sa paghawak at pag gamit ng baril. Isa na naman sa kalaban ang natamaan ko. Hindi ba sila mauubos? Tatlong bala nalang ang mayroon ako, dapat ay hindi sumablay ang isa man.

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago muling lumipat ng pwesto pero sa unang pag apak ko palang ay natigilan ako dahil sa isang bagay na nakatutok sa ulo ko.

"You're fast but you are not that smart baby girl." isang boses babae ang nagsalita sa gilid ko. Napakagat labi ako saka pumikit ng maramdaman ang pagriin ng pagkakatutok niya ng baril sa ulo ko. Hindi ko pa nahalikan si Kenji jusko.

Napamulat ako ng maramdamang marahas na bumagsak ang babae na tumutok sa akin. Lumingon ako sakanya at napanganga ako ng makitang baon na baon ang isang kutsilyo sa ulo niya.

"I said be careful." Malamig na sabi ni Yui sa tabi ko saka ako hinigit patungo kung saan pagkatapos niyang hugutin ang kutsilyo sa ulo ng babae.

--
AUTUMN CLARK

"Back me up and shoot." Sabi ni Yoh na agaran kong nakuha kung ano ang ibig niyang sabihin.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now