TMH 32

1.7K 63 3
                                    

[THIRD PERSON POV]

"What did you just say?" reklamo ni Ysabela ng makalabas sila ng conference room. Hinabol niya si Yui na pababa ng hagdan. Naiirita sya dahil sa nangyayari. Dati pa siya may hinuha sa mga nangyayari. Simula ng kidnapin nila ang dalaga at may nagpakitang isang lalaki sakanila ng araw na iyon. (TMH 15)

"You will feed us some information and then hang a question in our mind?! Alam kong alam mo ang lahat. Why dont you spill it all now!" hinablot nya ang kanang braso ni Yui kaya napatigil sila sa gitna ng hagdan.

Tinitigan lang sya ni Yui. Waring walang pakialam sakanyang sinabi. Talaga namang nakakaubos ng pasensya ang bruhang 'to sa mga ganitong sitwasyon.

"What?! Say something! Alam kong may alam ka din sa pagkawala ni dad!" sumbat ni Ysa. Naiiyak. Ngayon lang ito sumabog ng ganito.

"Hindi mo magugustuhan ang lalabas sa bibig ko." ngisi naman ni Yui at hindi natinag. Bago pa makasagot si Ysabela ay biglang yinakap ng makapal na usok ang buong Mansyon. Isang malutong na mura ang kumawala mula sa bibig ni Yui.

"Run!" sigaw niya sa tatlo ngunit huli na ang lahat dahil nahimatay na ang mga ito bago pa man sila makahakbang.

She left them. She had no choice. Ganun din naman ang mangyayari, kaya bakit pa niya papahirapan ang sarili niya? Ang kailan niya ngayon ay kumilos na.

"30 minutes. Exile Tower." nagsalita sya sa mouth piece na suot niya. Nadinig naman iyon ng labing dalawang nasa kabilang linya.

"A'right princess!" sagot ni Tomoyo. Siya lang ang nag abalang sumagot sa dalaga.

Pagkasabi nun ay pinaharurot na niya ang motorsiklong gamit niya palabas ng Chikama's Empire. Kahit alam niyang mangyayari ito ay hindi parin siya makapaniwalang sa pagkakataong ito ay hawak sa leeg ng matandang iyon ang mga taong nakapiligid sakanila.

Tanging sarili lamang niya ang maasahan niya ngayon.

--

"Argh!" daing ni Zam ng magising sya mula sa pagkakatulog. Sumasakit ang ulo nito at nanghihina ang kanyang mga binti.

Inikot niya ang kanyang paningin sa isang kwartong napakalaki. Tumayo siya kahit na nanghihina pa siya at dumiretso sa isang malaking sofa. May mga pagkaing nakahanda sa maliit na mesa roon.

"Young lady. Pinapatawag na ho kayo ng pinuno." bungad ng isang dalaga sakanya na kakapasok lang sa kwarto. Kumunot ang noo niya. Master? Nasaan ba sya?

Ganoon din ang ganap kina Ysa at Autumn na ngayon ay magkasamang nakatayo sa isang entablado. Sa paligid nila ay mga kapwa kasing edad nila na prenteng nakaupo sa mga silyang kinaroroonan. Tila mga uwak na masama ang titig sa dalawang dalagang nakatayo sa harapan nila.

"Nasaan tayo?" sitsit ni Zam ng makalapit sa dalawa.

Hindi sumagot ang dalawa at biglang may isang lalaki ang nagsalita sa kung saan. Wala ito sa paligid at tanging boses lamang niya ang sumakop sa buong paligid. Nasa isang napakalawak na field sila ngayon tulad ng nasa Exile University.

"Nais kong ipakilala sainyo ang tatlo sa Limang natatanging tagapagmana ng limang empirong bumubuo sa Ministry." Nagsimulang magbulung-bulungan ang mga tao sa paligid.

"Lady Ysabela ng Ebreo Empire." tumapat ang spotlight kay Ysabela. Unti-unting lumilinaw sakanya ang lahat ng katotohanan.

"Lady Zam ng Howard Empire." nakanganga lang ito sakanyang kinatatayuan at hindi makapaniwala sa nalaman. Sya ay tagapagmana?

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon