TMH 35

1.6K 59 0
                                    

NOTE: ITALICS ARE FROM THE PAST.

YSABELA CAYE EBREO

"Dad! Saan ba tayo pupunta?" pangungulit ko kay dad.

"Just a minute sweety, malapit na tayo." sagot sa akin ni dad at ginulo ang buhok ko. Lagi niyang ginagawa sakin iyon kapag naglalambing sya.

"Marami po bang toys doon?" tanong ko habang yakap-yakap ang isang manika na galing kay dad.

"Yeah and you will meet your new friend."

"New friend? Eh daddy hindi ko na po kailangan ng friend." sabi ko at napanguso.

Hindi ko naman kasi kailangan ng ganoon. They only want money and fame. Madalas ay dumidikit lang sila saakin para gamitin ako. Like duh? Ang ganda ko kaya at gusto lang nila mahawaan ng ganda ko.

"We're here sweety. C'mon." sabi ni dad at bumaba ng kotseng sinasakyan namin.

"Wow." literal na napanganga ako ng makita ang napakalaking bahay sa harapan ko. Mas malaki pa ito sa bahay namin.

Humawak ako sa kamay ni dad habang papasok kami sa napaka laking bahay. May sumalubong saming mga lalaking naka all black suits.

"Good evening master." Bati ng isang gwapong binata kay papa at nakipagkamay.

"Yosef." seryosong sabi ni papa sa binata. Iyon siguro ang pangalan ng binatang to.

"Kuya!" napatingala ako ng may isang batang babae na sumulpot sa itaas ng hagdanan. Bumaba ito at dinaluhan kami. Diretso ang tingin nito kay Yosef at parang wala kami ni papa sa paligid.

"Babalik din ako agad. You should stay here and acompany this little girl." sabi nung Yosef at tumingin sa akin saka kumindat.

"What? You will left me here just to baby sit that brat?" nagkatitigan kami. Hindi ko alam pero bakit ang lamig ng aura nya. Hindi ko sya gusto. She's a witch.

"Hahaha!" tumawa si papa at hindi man nagalit sa tinuran sakin nung batang witch. Kainis!

"Sweety you will stay here and behave." sabi ni dad at ginulo ang buhok ko. Napanguso ako. Iiwan niya talaga ako dito? Hinalikan niya ko sa noo at tumayo.

"Yui. You take care of my princess, right?" bumaling si dad dun sa witch. Yui pala pangalan, Yui witch. Bagay. Pagkasabi nun ni dad ay umalis na sila kasama si Kuya Yosef.

"Behave." bilin ni Kuya yosef dun sa witch bago tuluyang umalis kasama si dad.

Tinitigan ko lang sya na magmartsa paakyat sa hagdan. Sa inis ko ay sinundan ko siya sa pag akyat at nagpasyang kulitin siya.

"Hoy bata! Hindi ka man lang ba magpapahanda? Nagugutom ako." Sinabayan ko siya sa paglalakad at hindi man lang siya nag abalang lumingon sa akin.

"Hoy! Bingi ka ba?" Tanong ko sakanya ng pumasok siya sa isang kwarto. Sumunod ako at namangha sa disenyo ng kabuoan nito. Agad namang nasagi ng paningin ko ang isang napakahabang espada na nakapatong sa isang estante sa itaas ng isang malaking kama.

"May pulubi sa kwarto ko, bring some food for her. Five minutes." Napalingon ako dun sa witch habang ibinababa na ang kulay puting telepono.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon