TMH 20

3.2K 90 5
                                    

KENJI KEI

"Let's see kung paano nga ba manligaw ang isang Kenji Kei Chikama." bigla akong kinabahan sa sinabi ni Rann este ni princess, ano na naman kayang balak nito. Hays! Pambihira panigurado ako na naman ang trip nito.

Pagkatapos namin sa Ice cream parlor na iyon ay nagyaya ito sa Enhanted park. Napahilamos ako ng mukha ng hilahin niya si Zam sa counter kung saan ang rides all you can. Pulta! Masama pakiramdam ko dito!

Pagkatapos kong magbayad lahat sa ticket nila ay agad silang dumaretso ng pila sa ekstreme tower. Bigla akong pinawisan at hindi alam ang gagawin, pakiramdam ko bibitayin ako ano mang oras.

"Ahh cr lang ako." Paalam ko kay Zam, hawak pa rin kasi nito ang kanang kamay ko.

"Tayo na ang sunod, mamaya na hehehe." nakangiting sabi nito at napatingin sa kamay ko. Pulta! Nanginginig na mga kamay ko. Tangina naman!

"Is there something wrong Kei?" napatingin ako kay Princess, ngumisi ito saka pinipigilang matawa. Tangina nalintikan na! Wala ng takas. Pucha!

"N-othing princess." nasabi ko na lang saka tuluyan na kaming sumakay sa puchang ride na to. Napapikit pa ako ng ayusin ng isang boy ang seatbelt ng inuupuan ko at isang metal na humaharang sa katawan ko na nagsisilbing safety gear. Puta talaga nagmumukha na kong bakla dahil sa pinaggagawa ko.

--
SOMEONE's POV

Dinig pa din sa buong paligid ang walang humpay na pagmumura ni Kenji. Siya na ata ang may pinaka malakas na sigaw sa lahat ng nakasakay na sa Ekstreme Tower. Samantalang yung tatlong kasama niya ay tuwang-tuwa sakanya. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung pagtripan nila ito at iwan sa ere? Tanging ang binata lang ang nakasakay sa Ekstreme Tower at kinukuhanan naman siya ng video nina Zam at Patrick, si Yui naman ay walang sawa sa pagtawa habang pinapanuod si Kenji sa pagtaas-baba nito.

"Wooooh! Pultaaa!" sigaw niya na para bang maririnig sya ng buong mundo.

"Waaaaah! Itigil niyo tangina!" sigaw ulit nito ng bumabagsak siya ng mabilis pababa.

Noong pasakay na kasi sila ay agad na pumikit ang binata at hindi man lang naramdaman na umalis pala agad ang tatlo bago mag-umpisang umandar ang ride. Well hinila lang naman ni Yui sina Patrick at Zam.

"I should be proud of you Kei." natatawang saad ng dalaga. Knowing that Kenji has a fear of heights. Idagdag pa na madali itong mahilo.

"Ahh shit!" pagod na sabi nito ng makababa siya sa pesteng ride na yun.

"Lets go." yaya ulit ni Yui sa tatlo.

Lumapit ulit ito sa isang pila ng Luna 360 ride.

"What the hell?" bulong ni Kenji na hindi pa rin nakabawi sa hilong nararamdaman.

"Dont worry. Sasamahan kana namin." asar pa ni Yui sakanya. Saka pinauna na sa pila si Kenji.

"Haha princess naman eh, kayo naman. Ako na lang mag vivideo sainyo."

"Nah. I want you to ride that awesome ride." nakangiting utos nito sa binata. Pagkasabi niyang iyon ay bumilis na naman ang tibok ng puso ng binata lalo pa ng makasakay na sila at ilagay ang safety gear nito.

"Dont worry, ayos lang yan." Napalingon siya ng hawakan ni Zam ang kaliwang kamay niya.

Nakaramdam siya bigla ng kaunting relief sa ginawa ng dalaga.

Nung una ay ayos lang dahil parang dinuduyan lang sila ng makina at ramdam pa niya ang malambot na kamay ng dalaga. Pero hindi nag tagal ay parang sasabog na naman ang puso niya ng magsimulang bumilis ang sinasakyan nila. Napapamura ulit siya sa bawat hampas ng hangin sa mukha niya. Binitawan na rin nito ang kamay ni Zam at kumapit ng mahigpit sa hawakan ng inuupuan niya.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon