TMH 17

3.3K 105 12
                                    

AUTUMN CLARK

Matapos ang nakakagulat na anunsiyo ng may-ari ng school, na kapatid pala ng bruhang si Hershey ay hindi ko na alam kung saan na nagpunta ang mga bruha kong kaibigan. Bigla na lang kasing hinila sa kung saan ng tatlong lalaki si Hershey, si Zam hula ko nasa canteen na iyon at pinapagana ang katakawan at si Ysa hindi ko alam kung saang lupalop ng planeta nagpunta kaya alone na naman ako. Jeez!

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nag-iisang nakaupo sa may ilalim ng puno malayo sa lugar kung saan ginanap ang pagtatanghal kanina lang. Tila bigla akong nakaramdam ng inis ng maalala ko ang nangyari kanina. 

"Bakit hindi ko alam."  bulong ko sa hangin, kumuha ako ng maliit na bato at ibinato sa kung saan. 

Hindi ko nakita sa mukha ni Ysa na nagulat siya sa balita habang si Zam parang wala lang sa kanya yung nalaman niya. At naiinis ako dahil feeling ko ako lang ang hindi nakakakilala sa kanya ng lubos.

"F-feeling ko hindi pa kami ganun ka close kahit na ilang araw na kaming magkasama!"  pagsisintir ko.

"Bakit si Ysa mukhang alam na yon bakit ako hindi? Magkaibigan kami di ba? Nakakainis! Bakit ba ko naiinis?"  asar kong tanong sa sarili ko.

"Gusto kong magtampo pero bakit?"  puno ng hinanakit kong saad.

Mukha na kong tangang kausap ang sarili ko mabuti na lang at tago ang lugar na ito at mukhang wala naman makakakita ng kagagahan ko.

Inilabas ko ang Iphone ko at isinuot sa tenga ang headset. Mapayapa kong isinandal ang likod ko sa may puno at pumikit habang nakikinig sa mga paborito kong kanta. Kailangan kong mag-isip ng maayos, para mawala itong inis ko na hindi ko maintindihan kung bakit nga ba ako naiinis. At kung kanino ba ko naiinis, sa sarili ko ba o kay Hershey? Inis akong napadilat at nanlaki na lang ang mata ko sa nabungaran ng mata ko.

"Alam mo miss masasayang lang yung magandang boses mo, bakit di mo kausapin ng harapan yung tao para masagot yang tanong mo."

Mabuti na lang talaga ay hindi ko nakahiligan ang uminom ng kape tulad ni ate. Kung nagkataon inatake na ko sa puso. Bigla na lang kasing sumusulpot ang mukha ng kumag na to sa harapan ko. Nakasabit ang mga paa niya sa may sanga ng puno habang nakalambitin ng pabaliktad.

Isang suntok sa mukha niya ang ginawa ko. That's for ruining my precious moment.

Mabilis siyang nakatayo sa pagkakabagsak sa lupa matapos niyang mahulog dahil sa ginawa ko.

"Walanghiya! Nagmalasakit ka na nasuntok pa." pinahid niya ang dulo ng labi niya na may bahid ng dugo gawa ng suntok ko. Then he smirked and planted a sweet smile on his face like nothing happened. Parang hindi man lang nasaktan sa suntok ko. Tigas ng mukha.

"Hindi ko hiningi opinyon mo."  mataray kong sabi at tinaasan siya ng kilay.

"Ang hot mo naman miss, este ang hot ng ulo mo gusto mo bang mawala yan?" sabi niya at tumawa ng mahina.

Wala ako sa mood makipaglandian ngayon kahit gwapo ka hindi kita papatulan.

"Sawa ka na ba sa buhay mo? ALIS OR YOU'LL BE DEAD ANY MINUTE BY NOW."  naiirita kong taboy sa kanya. Tinignan ko siya ng matalim na hindi man lang nagpatinag sa kanya. Bwisit! 

"Akong nauna dito bakit ako aalis?"  nakangiti niyang sabi na tila nang-aasar at mukhang walang pakialam sa banta ko.

"Kasi gusto ko!" I rolled my eyes at him. Nakakainis. Masasapak ko tong lalaking to, ang sarap lang wasakin ng mukha niya para mawala na yang ngiting nakaplaster na yata sakanya.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now