TMH 54

1.1K 30 1
                                    

Shout out sa mahal kong nangungulit na bilisan ko ang pag update. I love you ka talaga! Hahahaha!

--

AYUMI SAKAI

Pumasok ako sa isang building with the usual get-up of a sophisticated business woman. Diretso ang tingin ko sa front desk at hindi alintana ang mga tao sa paligid na mukhang nagulat pa sa pag dating ko.

"I have an appointment with Mr. Huego." Sabi ko sa isang mapusturang babae na nasa front desk. Aligaga pa ito sa pag dating ko ngunit pinilit paring maging kalmado.

"Can I have your name ma'am?" Aniya na nakangiti.

"I am Serene Ryusei." walang kagatol-gatol na sabi ko. She check the computer at tumawag sa telepono.

"Ma'am you can go now to his office. Anna will assisst you." Aniya at lumapit sa akin ang isa pang babae.

Sumakay kami ng elevator at pinindot nito ang fifteenth floor. Habang naghihintay sa pag dating namin sa itaas ay tinatanaw ko ang repleka ko sa pintuan ng elevator. I'm wearing a prosthetic mask dahilan upang maging kamukha ko si Serene.

Pagdating namin sa tamang floor ay agad siyang kumatok sa nag iisang pinto roon.

Pumasok siya at makaraan ang ilang saglit ay lumabas rin siya.

"You can enter the room madam." Aniya saka ako iniwan.

Nang makapasok ako ay una kong nakita ang isang clear glass wall kung saan makikita ang tanawin sa labas. Seems that this floor is reserved for the CEO office.

Umangat ang paningin ni Mr. Huego ng tumikhim ako. Ngumiti siya at iminuwestra sakin ang sofa.

"So.. Deal?" He said after kong sabihin ang pakay ko. Ngumisi ako at nakipagkamay sakanya. Ni hindi ko man naramdaman ang mukhang magaspang niyang mga kamay dahil sa mabilisang pagbitiw ko. Ni hindi niya napansin ang paghiklat ko sa isang usb na nakasaksak sakanyang laptop.

"Til we meet again Mr. Huego." I said bago siya tinalikuran at lumabas ng kanyang opisina.

Everythings went smooth. Nakuha ko pang ngumiti sa mga staffs na nakakasalubong ko. Bago ako makapasok sa kotse kong naghihintay sa labas ng building ay doon lamang naalarma ang buong building.

Napanguso ako ng pagkapasok ko sa kotse ay bagot na mukha ni princess ang inabutan ko sa driver's seat.

"Next time, make it fast." Aniya at pinaharurot na ang kotse palayo sa lugar.

Nang makarating kami sa private airport na pagmamay-ari ng mga Chikama ay naroon na ang iba pa.

"Pwede bang sa Europe na lang ako pumunta?" Busangot na mukha ni Saichi ang sumalubong kay princess.

"Kung paliparin ko kaya ang mukha mo sa mars?" Bagot na sabi princess sakanya. Napangiwi naman ang nababaliw na namang si Saichi.

Magkakahiwalay ang lipad namin patungo sa iba't ibang bansa. Kenji, Tugu and Kamia are with me in European Country.

"Hindi mo ba mamimiss si Kyo?" Tanong ni Kamia habang nilalaro pataas ang kaliwang kilay niya. Napanguso naman ako sa tanong niya at saka siya tinalikuran.

Malamang mamimiss ko siya.

Parang napakadali lang ng naging byahe namin. Humilata agad ako sa kama. Maliit lang iyon at sakto lamang sa isang tao. Mukhang nagtitipid si Princess ngayon ah.

Nakatulog ako ng ilang oras. Lumabas ako ng kwarto at nakitang abala si Kamia sa kusina. Hapunan na pala at hindi ko man lang namalayan ang oras dahil sa mahimbing kong pagkakatulog.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now