TMH 18

3.5K 104 8
                                    

YSABELA CAYE EBREO

Isang linggo na din ang lumipas simula ng umalis sina kuya Yosef, at isang linggo na din nasisira ang kagandahan ko dahil sa lintik na halik na iyon. Ghad! Isang halik lang sa noo pero ang lakas na ng epekto sa akin.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong mansyon na isa sa naiwan sakin ni dad pagkatapos nyang mawala ng parang bula.

For five years ay nakaya kong mag-isa pero bakit bumabalik na naman ang lungkot sa tuwing naaalala kong mag-isa nalang talaga ako kahit na nandyan yung dalawang magkapatid na nakaalalay sa akin. Kahit hindi nila sabihin alam ko at ramdam kong isa sila sa dahilan kung bakit ko na kaya ang lahat, pero bakit hindi pa din ako mabuo-buo. Ghad! Limang taon na ang nakalipas.

Pinaikot ko muna ang alak sa basong hawak ko saka ininom iyon. Heto nalang lagi ang ginagawa ko sa tuwing mag-isa ako, nakakaramdam ng lungkot.

Minsan gusto ko nalang sunugin ang buong mansyon baka sakaling makalimutan ko lahat. Pero nanghihinayang pa din ako dahil ang isang dyosang tulad ko ay nararapat lang sa ganitong palasyo.

Napatawa ako ng pagak sa naisip ko. Pagkalaunan ay nagpakawala ng isang malalim na hininga saka yumuko sa mahabang stall dito sa may malapit sa kusina. Pumikit ako dahil nakakaramdam na ko ng pagkahilo, ano bang klaseng alak to! Nakailang baso palang ako ang bilis na ng tama nakakaleche.

"Ysabela!"

Ghad! Lasing na talaga ako, kung sino-sino na ang naririnig kong tumatawag sa akin. Haha si Autumn na napaka casanova, bilib na nga ako sakanya dahil nakakaya lang nyang makipaglaro sa mga lalaki. Samantalang ako heto sirang-sira ang ganda pero dyosa pa din dahil sa hinayupak na kupal na iyon!

"Hoy Ysabelang walang boobs!" Boses ni Zam ang narinig ko. Gaga talagang Zam pati ba naman sa boobs ko insecure sya? Duh! Napahawak ako sa dibdib ko.

"Meron naman huh, kumpara sakanya wala ng boobs, wala pang umbok ang pwetan! Walang wala kumpara sakin!" Sigaw ko sa kawalan.

"Walanghiya ka talaga! Papatusin kita kahit sa pamamahay mo!" Napapitlag ako ng biglang may humila ng banayad sa maganda kong buhok kaya napatayo ako sa gulat. Anong ginagawa nila dito?

"You look wasted." Napalingon ako kay Yui na nakakunot ang noo at umiling-iling pa sya.

"Nah, you look more worst than your poop." Dagdag nya saka dumaretso sa kusina. Tss kahit kailan talaga may pagkabastos ang bunganga ng bruhang iyon. Bakit hindi nalang niya sabihin na makikikaen na naman siya at kailangan pa niya akong laitin?

Napaupo ulit ako dahil pumupungay na ang mga mata ko. Gusto ko ng magpahinga, bakit ba nandito tong mga bruhang to?

"Ayos ka pa?" Tanong ni Autumn sa akin habang inaalalayan ako sa pagkakaupo ko sa upuan. Umupo siya sa tabi ko saka isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Hoy Zam! Ano? Insecure ka talaga sa akin hahahaha!"

"Gaga pasalamat ka lasing ka." Hindi ko na narinig ang huling sinabi nya dahil tuluyan na kong nakatulog.

--

ZAM HOWARD

"Hoy Zam! Ano? Insecure ka talaga saakin hahahaha." Ang lakas na ng tama ng babaeng to pero nakukuha pa niyang mangarap.

"Gaga pasalamat ka lasing kang bruha ka. Hindi tuloy kita masampolan." umismid ako saka tinitigan siya. I've not seen her like this before. Ang akala ko ayos siya, kanina ko lang nalaman na mag-isa na lang pala siya.

Napalingon ako kay Yui na may dalang isang maliit na palangganang may tubig at may puting towel na nakasabit sa balikat nya habang ngumunguya ng kung ano. Ang takaw talaga kaya magkasundo kami pag dating sa pagkain eh.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now