TMH 45

1.3K 52 1
                                    

ERIC

Nasa airport na kami at naghihintay na lamang sa private plane na ipinahanda ni Yui. Hindi ako sigurado kung kailangan ko bang umalis o hayaan nalang ang dalawa kong kasama na lumipad paibang bansa at puntahan si Yui sa Exile Island. Ilang linggo din kaming magkasama at masasabi kong mapagkakatiwalaan ko siya.

Hindi ko aakalain na ang ilang linggo na iyon ay makukulong ako. She trapped me and i can't find a way to escape. Mahirap din palang mapalapit sakanya, dahil sa sobrang lapit ay hindi mo na gugustuhing lumayo. Kung bakit? Kahit naman napakadilim ng aura niya ay nakakaramdam ng isang sekyuridad ang taong malapit sakanya.

Luminga-linga ako sa paligid kahit na alam kong imposibleng may sumusunod sa amin ay mas mabuti na ang mag ingat.

Tahimik lang sina Patrick at Cake sa tabi ko. Nang tawagin na kami ng isang lalaking nakasuot ng isang unipormeng pang piloto ay tumayo na kami.

Kumunot ang noo ko ng biglang tumigil si Patrick.

"I'm going to save her." Binitiwan niya ang hawak niyang luggage at tumalikod sa amin ni Cake. Madali ko siyang pinigilan at hinawakan ang balikat niya.

"We're going to save them." Nagkatinginan kami. Tumango siya saka ako humarap kay Cake na ngayon ay palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Patrick.

Ang alam niya ay kinuha ko siya sa bahay ampunan at inampon siya. Hindi ko nga din alam kung bakit ipinapasama pa siya ni Yui sa akin.

"Have a safe trip bata." Ginulo ko ang buhok niya na ikinanguso niya.

"Ako lang ang aalis?" Ngumiti ako at tumango. Bumaling ako sa piloto.

"Ikaw na ang bahala pre." Sumaludo siya at kinuha ang luggage ni Cake.

Nang makalipad na ang private plane ay pumasok ako sa isang kwarto kung saan makikita ang taong mahihingan ko ng tulong.

Pag pasok ko ay siyang paglingon niya sa akin. Tumayo siya at sumaludo.

"Boss! Akala ko nakalipad na kayo?" Takang tanong niya.

"Kailangan ko ng isang chopper." Walang paligoy-ligoy na sabi ko.

Pagkalapag namin sa isla ay naabutan namin ang mga armadong naghahanda sa pagsakay ng kani-kanilang motorboat. Mukhang nagsimula na at nahuli na ko ah.

Madali akong lumapit sa isa na abalang nagaayos ng mga gagamitin. Hinila ko ang kanyang batok at pinilipit ito. Mabuti nalang ay paalis na ang mga kasamahan niya kaya hindi nila napansin ang ginawa ko, idagdag pa na madilim pa ang kalangitan.

Sumakay agad ako sa motorboat. Lumingon ako sa pinag iwanan ko kay Patrick ngunit wala siya doon tsk. Napahilamos nalang ako at nagpasyang iwanan na lang siya dahil mas delikado kung isasama ko pa siya sa kabilang isla.

Nang makarating ako sa isla ay nag halungkat ako ng mga gagamitin ko. Sakto namang mga armas ang nailagay ng lalaki kanina.

Tinahak ko agad ang mala-gubat na isla nang matantya ko ang lahat ng kakailanganin ko. Kung gaano kadilim sa labas ng gubat ay dumoble ang kadiliman nito sa loob dahil sa mga nagtataasang mga puno. Tinignan ko ang lumiliwanag na compass sa kamay ko. Sinundan ko ang lokasyon pa norte dahil alam kong sa pinaka gitna kung nasaan ang isang talon sila tutungo.

Mabilis ang takbo ko nang biglang magpaulan ng shuriken ang kung sino. Nagtago agad ako sa likod ng isang puno. Shit mabuti nalang ay hindi ko na naisama si Patrick dito. Huminga ako ng malalim bago ulit tumakbo.

Huminto ulit agad ako sa likod ng isang puno ng maramdaman kong may mga ibang tao na sa paligid. Masyadong ng madilim ngunit malinaw kong nakikita ang isang kumikinang na shuriken patungo sa isang direksyon. Automatikong napatakbo ako sa lugar na iyon at hinila ang kung sino.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now