TMH 12

4.5K 122 7
                                    

AUTUMN MADDISON SZADE CLARK

Padarag akong naupo sa bermuda grass sa lilim ng isang puno kasama ang tatlong bruha. Nakakapagod ikutin ang buong Exile. Mabuti nalang ay kasama namin si Yui na mukhang may mapa sa utak dahil alam na alam niya ang pasikut-sikot dito sa campus.

"You fucking need to delete that Zam." Sabi ni Yui at tinapunan ng nakakamatay na tingin si Zam.

"Siguro pwede akong mag shift sa photography?" Balewalang sabi naman ni Zam. Nakuhanan kasi niya ng picture si Yui kanina na nakangiti. Hindi ko nga nakita yun, kung hindi pa nakuhanan ni Zam. Minsan lang kasi siya ngumiti. Yung tipong abot talaga sa mata niya. Yung ngiti na hindi nang aasar. Yung ngiting hindi nakakakaba. Minsan kasi mukha na siyang papatay ng tao. I mean madalas pala.

"The fuck. Let go of my face Zam!" Napatawa ako ng makitang dinambahan ni Zam si Yui at pinisil nito ang magkabilaang pisngi niya.

"Stretch lang natin, lagi kasing pokerface." Aniya saka binitawan na ang mukha ng isa. Napa-tsked nalang si Yui at lumayo kay Zam.

"Hoy impakta, tigilan mo nga si Yui." Pigil ni Ysabela kay Zam ng aamba itong lumapit ulit kay Yui.

"Mas impakta ka kaya. Lol." Sagot naman sakanya ng bruha.

"Itong ZamYsa couple na to mag-uumpisa na naman sa paglalampungan." sabat ko at nakakuha ako ng death glare sakanilang dalawa.

"ZamYsa? Kadiri." nandidiring sabi ni Zam.

"Duh! Pwede ba wag mong pagsamahin pangalan namin nakakasuka." pagtataray naman ni Ysabela sa'kin at winasiwas pa ang kanyang buhok.

Mukha talagang may pinaghuhugutan talaga ang galit nila sa isa't-isa eh.

"Magkagalit talaga kayo?" natatawang tanong ko.

"Malandi kasi yan." pag irap ni Zam na akala mo ay matatanggal na ang mata sa pag-ikot.

"Kung maka malandi? If I know, inggit ka lang sa ganda ko." pagtatanggol ni Ysabela sakanyang sarili.

"Hahaha nagpapatawa ka ba? Kailan pa nainggit ang isang dyosa sa isang maganda lang?"

Yan na ba ang sinasabi ko, saan kaya mapupunta ang usapan na to? Nagpangalumbaba ako at pinanuod sila sa bangayan nila.

"Ikaw dyosa? Hahaha you make me laugh. Dyosa ng mga panget."

"Sabi ko naman sayo wag mo kakausapin ang salamin, heto bente hanap ka kausap mo." Nag abot nga ng bente pesos itong si Zam sakanya, di tuloy maipinta mukha ni Ysa.

"Just shut the fucking mouth!" napalingon ako sa isang babae na bigla na lang sumigaw at nagulat ako ng si Yui pala ang kaharap niya. Ok, di ko napansin na hindi na pala namin siya kasama dito?

"I said just shut the fucking mouth. Ugh!" hysterical na sigaw ulit nito at nasubsob sa bermuda grass.

"Yui may problema ba?" lumapit ako sa lugar nila dahil hindi ko masiyadong marinig kung ano ba ang pinagsasabi ng babaeng ito na fucking mouth.

"Ye, teach her how to use that fucking mouth." Huh? Ano daw? Bakit iba naiisip ko sa fucking mouth na yan? Hahahaha.

Napatingin ako sa baba at nakitang nakatali pala ang dalawang paa niya sa isang puno.

"Haha what's the fucking mouth all about mga bruha?" tanong ni Zam na kakalapit lang din habang nasa likod naman niya si Ysa.

"She's following us." tipid na sabi ni Yui.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon