TMH 46

1.6K 60 8
                                    

This chapter covers Yui's POV. Flashback lahat. May mga date naman, so sana magets :) Next chapter na yung present pov niya. Enjoy!

**
YUI RANN CHIKAMA

03/22/2015 20:35

Napangisi ako ng unti-unting matunaw ang walang kwentang batong napulot ko kanina sa tabi ng motor ko.

"Anong balak mo ngayon?" Tanong ng isang unggoy na nasa gilid ko.

"Isusunod ka sa batong yan." Tinitigan ko siya ng seryoso kaya napasimangot siya. Buti sana kung nagiging tao siya sa pag simangot niyang yan, kaso nag lelevel up ang specie niya sa isang gorilla.

"A week from now, you'll meet your brother and i want you to kidnap cake then leave the country." Kumunot ang noo niya saka unti-unting lumiwanag ang kanyang mukha. Magsasalita na sana siya ngunit agad ko siyang pinutol.

"Yun ay kung magagawa mo ang iuutos ko." Napangisi ako ng sumaludo siya.

Bago pa dumating sina Tuguchie ay nilisan na namin ang EU. Kailangan kung bumalik sa mansyon ngunit uunahin ko muna itong unggoy na kasama ko. Im not used to move with someone but I really fucking need him.

Nang masiguro kong alam na niya ang misyon niya ay madali akong pumunta sa mansyon. Hindi ko na kailangan huminto para buksan mag-isa ang gate, bukas naman ito dahil sa mga tangang dumating kagabi. Inihinto ko ang motorsiklo sa tapat ng malaking pintuan ng mansyon. Pati iyon ay nakabukas. Napakagulo ng paligid. Luminga ako at nakaramdam ako ng panlalamig. Wala ng nagbabantay dito, dahil lahat sila ay tumiwalag na saamin. Sinira ko lang naman yung bato. Just the thought of me doing that, they're completely stupid. Alin sa crystal at cheap na bato ang hindi nila makita?

If mom still alive she will fucking get furious about this. The mansion is a totally mess right now because of those fucking idiots. I swear to death they will pay for this shit.

Hindi na ko nag aksaya ng oras at madali akong umakyat patungo sa ikatlong palapag kung nasaan ang opisina ni Dad. Kung dati ay tumatambay ako dito para magpalipas ng oras sa kakatitig sa mga libro niya, ngayon ay iba na. Alam kong dito ko iyon nakita.

Pinasadahan ko ang mga librong nakahilera sa malaking shelves gamit ang daliri ko. Huminto lamang iyon ng nakita ko na ang librong hinahanap ko.

Kinuha ko iyon saka umupo sa swivel chair. Sumandal ako at ipinatong ang mga paa ko sa lamesa kung saan madalas ay nakaupo ako at nakikipaglaro kay daddy.

Binuklat ko ang gitnang pahina at doon nakita ko ang isang litrato. Tinitigan ko si Dad na nakangiti sa litrato habang hawak niya sa bewang ang isang babae. Nakatingin ang babae sakanya at sa ngiti pa lang niya ay makikita kung ano ang meron sila. She's not my mom, but she's the mother of my brother.

--

03/29/2015 22:07

Isang linggo na ang nakalipas. Nagtipa ako ng mensahe para kay Eric at mabilis naman siyang tumawag. Hindi talaga makaintindi ang isang to na ayaw ko siyang kausap.

I press the answer button and without a second he shouted his fucking glory. Napailing na lang ako. Masyado siyang masaya sa kabilang linya.

"Uy! Nandyan ka pa? Sabi ko naman sayo madali lang di ba? Hahahaha!" How stupid he is.

"Listen." Seryoso kong sabi na ikinatahimik niya.

Sinabi ko sakanya na pumunta sya sa rest house namin sa tagaytay kung nasaan si Patrick. Isasama niya doon si Cake at sa araw ding iyon ay lilipad sila paibang bansa.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now