TMH 6

5.9K 171 9
                                    

AUTUMN CLARK

Hays ang boring na. Itinukod ko ang dalawang siko ko sa armchair ng inuupuan ko saka ako nangalumbaba habang tumatalak si Sir sa harapan. Noong isang araw nga tinanong niya sa akin kung nasan si Yui, malay ko ba kung nasaan na ang bruhang iyon, hindi ko naman alam kung paano puntahan iyong bago niyang school. Tsaka ilang araw din hindi pumasok si Sir. Hindi ko na tuloy nasimulan yung pang-aakit ko sakanya.

"Szade, tara cutting tayo." bulong ni Zam sa akin.

"Tara. Ang boring dito." pag sang-ayon ko sakanya.

"Aww!! Huhuhuhu." napanganga ako ng biglang nag hysterical ang bruha.

"Hoy nangyari sayo?" bulong tanong ko kay Zam.

"Huhuhu s-sir." ang gaga hindi ako pinansin at bumaling kay sir.

"Yes Ms. Howard? What's the matter?" tanong ni sir at lumapit kay Zam.

May ibinulong siya rito na hindi ko man lang narinig, nanatsing pa ang loka. Ano naman kaya naisip neto.

"Alright. You may go Ms. Howard." nakangiwing sabi ni sir sakanya.

"T-thanks sir! Pero hindi ko po kaya mag drive huhuhu. Pwede po ba akong magpasama kay Szade?" nakangiwing tanong ng bruha hahaha.

"Ms. Clark, ikaw na bahala sakanya."

"Pero sir, may klase pa po tayo?" tanong ko at kinurot naman ako ng bruha.

"You're excuse."

"Wag kana maarte Szadebebe tara na. Masakit na talaga huhuhu." pinanlakihan ako ng mata ng bruha at hinila palabas ng classroom. Nang makalabas kami ay nag ngiting tagumpay ang bruha.

"Hahahaha gaga ka talaga! Kaya pala biglang di maipinta mukha ni sir kanina!" tawa ko nang kinuwento ni Zam ang binulong niya kay sir.

"Haha ayos yung Red Day! Haha kaysa sa natatae! May hiya pa naman ako kahit papaano." She laughed.

"Oh saan final destination natin? Hahaha!" I asked.

"Luh. Mauna ka! Haha saan school ba lumipat si Yui?"

"Exile University? Saan ba yun?" I innocently answer.

"What?!"

Tsk. Napahawak ako ng mahigpit sa seatbelt ko ng biglang nagpreno si Zam.

"Sabi ko cutting tayo! Hindi ko sinabing i-cut mo agad buhay ko gaga!" sigaw ko at pinagsasabunot ang bruha.

"Aray ano ba! Yung buhok ko! Huhuhu."

"Bakit kasi bigla kang nagpreno jan! Sana man lang binalaan mo ko di ba?!" naiiritang sabi ko at pinapakalma ang buong sistema ko. Binatukan niya ko.

"Gaga! Tumingin ka kaya. Red light ateng." nakasimangot na turo niya sa traffic lights.

"Eh?" sumilip ako ng dahan-dahan sa labas. Oo nga red light hehe.

"Tss. Kung sa Exile University na siya. Mukhang mahihirapan tayong makakuha ng access sa school na yun." Seryosong sabi niya.

--

YSABELA CAYE EBREO

"Hi! Alam mo ang ganda mo talaga. Mana ka sa kuya mong gwapo! Hihihi." sabi ng babaeng lumapit saakin.

Ok. Kailan pa ko nagka-kuya?

"Alam kong maganda ako. Pero ako mana sa kuya ko? Are you out of your mind?" nakakunot na tanong ko.

"Hehe oo. Dennilene is the name." pagpapakilala sa akin ng antipatika.

"Hui Den! Siya na ba yan? Yung kapatid ng may-ari?" bungad ng isang babae kasama ng anim pang babae.

Tss. Ano bang pinagsasabi ng mga ito. kaloka.

"Hi po! Ako nga po pala si Rose Marie Fernandez!" pagpapakilala ng babae kanina.

"Yeah. Whatever." naboboring na tugon ko. Ano ba naman to tss.

"Crizelle here. Yawn!" inaantok na sabi ng babae. Bakit kay di nalang siya umuwi at matulog habambuhay?

"Yow kimberly po!" sunod na sabi ng isa.

"Rhenielyn girl!" ngisi pa ng isa, ano bang pake ko sa mga 'to?

"Azenith." malamig namang usal ng isa.

"And I'm Myrna, the leader of Dark Chixx Syndicate."

Tinignan ko sila isa't isa.

"You know what? Wala namang may pake eh." Tumayo ako at naglakad palabas ng cafeteria. Sa pangatlong hakbang ko pa lang ay biglang tinaob ng isang babae ang table sa may sulok.

"Pulutin mo!" Alright si Yui? Tss. Ang takaw talaga sa gulo ng babaeng 'to.

Lumabas na ko ng tuluyan at hahanapin ko pa ang hampaslupang classroom ko.

--

[LDR Headquarter]

Oo may headquarter sila sa Exile bilang nangunguna at pinaka malakas na grupo ay binigyan sila ng head mistress.

"Sino ba kasi mga yun? Tss." tanong ni Jannelle habang ginagamot ang sugat ni Mizuka sa kanang pisngi nito.

"Tss. Gago! Magbaasdfghjkl--"

"Mamaya kana magsalita, yang laway mo. Kakahiya umuulan sa mukha ko di ba?" sabi nito ng may tumalsik na laway sakanyang mukha at sinara ang bibig ni Mizuka.

"Hahaha bagyo ba Elle?" natatawang tanong ni Jo hannah.

"Hahahaha oo may kasama ngang kidlat eh!"

"Tawa pa tss!" iritang singhal ni Mizuka sa dalawang kaibigan.

Sila ang Tres Marias ng Gang. Makukulit at maraming kalokohan. Magaling silang makipaglaban, di lang halata dahil sa mukha at kilos nilang pambata.

"Oh ano ng plano bagtit?" tanong ni Cahrys sakanyang nobyo at yumakap mula sa likod ni Jhaszhinn Tan.

Si Cahrys Tan. Ang babaeng mahusay sa pag gamit ng baril at ang pangalawang leader sa Gang. Ginagamit niya ang surname ng nobyo kahit hindi pa sila kasal dahil napaka possessive nito.

"Ready yourselves to a battle." sambit ni Jhaszhinn at umikot para halikan sa noo ang kanyang nobya.

"Oh yeah!" Excited na sigaw ni Jeffrey at Tyron.

"Woaah matagal na ding di nakakabugbog itong kamao ko." nakangising sabi naman ni Julia.

"Ako din hihi nakakamiss magpaikot ng leeg!" masayang sambit ni Yelsha.

"Me too! me too!" tumatalong sabi ni Sheena.

"Now they will be curse by LDR Gang." ngisi ni Christoph.

"Tss. Basta sa akin yung red ang buhok." sabi ni Ralph at sinuntok ang pader.

"Haha sayo na! Na bakla kana naman Ralph! Gusto mo i-treat ko pa dinner date nyo hahaha!" pang-aasar ni Hannah sakanya.

"Hahaha sige sagot ko na mga pink candles and flowers!" si Mizuka.

"Ahmm. Sige ako na lang kakanta. Ehem. Maalaala mo kaya ang sumpa mo saakin na ang pag-ibig mo ay hindi magmamaliw." kanta ni Jannelle na nag patawa sakanila.

Samantalang nasa sulok si Eric at malalim ang iniisip. Nagulo kasi ang gusto niyang mangyari. Naiinis man ay kailangan niyang makahanap ulit ng pagkakataon upang mapalapit sa babaeng iyon.

**

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now