The Final Dare

4.7K 62 7
                                    

YUI RANN CHIKAMA

"Maraming salamat." Walang emosyon kong sinabi sa babaeng nagtitinda ng mga puting rosas.

Hawak ang isang kumpol ng bulaklak ay tinahak ko ang daan patungo sa isang memorial garden.

Napangiti ako ng makita ang mga pangalan nila sa iisang lapida. Kumuha ako ng labing tatlong pirasong rosas at inilagay iyon sa gilid ng kanilang lapida.

Yoh Sajie Chikama
Kenji Kei Chikama
Sojie Kyo Chikama
Tuguchi Seko Chikama
Saichi Mihiro Chikama
Tekeshie Micasu Chikama
Kumi Yuji Chikama
Aika Hirai Chikama
Yeshica Chikama
Yimhie Shinaika Chikama
Ayumi Sakai Chikama
Kamia Shinaika Chikama
Tomoyo Kagumi Chikama

Bumaling ako sa katabing dalawang puntod ng mga ito.

Ysabela and Zam surely misses them a lot. Ang mga natirang rosas ay hinati ko at inilagay sa gilid ng kanilang lapida.

"Nandito na ko." Ani Eric sa kabilang linya.

Hindi ko siya sinagot at pinatay lamang ang tawag.

Tumalikod ako at nag tungo kung nasaan ang unggoy. Nang matanaw ko ang helicopter ay napangisi ako.

Sumakay ako sa upuan ng piloto.

"Get out." Sabi ko kay Eric na kinunutan ako ng noo.

"Pagkatapos mong ipadala sakin to dito paalisin mo lang ako?" reklamo niya.

"Baba na." Bagot ko siyang nilingon at inayos ang aking gear.

Nakabusangot lamang itong bumaba ng helicopter.

"Malaya ka na." Sabi ko at pinalipad na ang helicopter.

Pupuntahan ko ang Exile Island bago ako lilipad patungong Japan.

"YUI RANN CHIKAMA! What do you think you--" boses ni Autumn.

"Omg Autumn! Wag ka ngang malikot!" Si Zam.

Lumingon ako at ang tatlong bruha ay nasa isang helicopter na minamaniobra ni Ysabela.

Sinundan ako ng mga ito hanggang sa makalapag kami sa Exile Island.

"Waaaah tumatakas kana naman na hindi mo sinasabi!" Si Zam at dinambahan ako ng yakap.

"May nakilala ka na bang tumatakas na nagsasabing tatakas siya?" patuya kong sabi sakaniya na ikinanguso niya.

Tinanaw ko sa baba ang Exile Island na ngayon ay isa ng beach resort.

Isang sasakyan ang huminto sa gilid at lumabas doon ang nakangiting babae na hindi ko matandaan kung ano ang bagong pangalan ngunit ang kaniyang mukha ay pamilyar na pamilyar sa akin.

"Prince--ay! Madame pala hehehe." Sabi nito. Kahit na mag bago siya ng pangalan at katauhan ay siya parin ang kilala kong Ayumi.

I killed them as my tail and they've been living with their own now. Sa totoong pangalan nila at totoong katauhan, hindi bilang tauhan ng mga Chikama kundi bilang ordinaryong tao na lamang sa ordinaryong mundo.

Sakaniya ko ipinamahala ang Exile Island Resort.

Bumaba kami ng kotse at dumaan kami sa entrance saka humilera ang mga staff at yumuko sa amin.

Nabahiran ng puting buhangin ang suot kong rubber shoes ng hilahin ako ni Zam patungo sa mga sunlounger. Sinundan naman kami ng dalawa samantalang nagpaalam na ang dating si Ayumi upang asikasuhin ang ibang guest.

"Hi miss! Pwedeng makuha ang number mo?" Isang lalaki ang lumapit sa akin at nag abot ng melon juice.

Kinuha ko iyon at inismiran siya. Kahit na hindi na ito si Saichi ay dakilang fuckboy parin ito.

"Ang sungit naman, ang ganda ganda mo alam mo yon? Ngiti ka nga!" Sabi pa nito at tumabi sa aking inuupuan.

"I don't talk to a fucking stranger, get lost." Sabi ko at tumawa naman ito.

"Hiro! Tara na! Hi miss ang ganda mo!" Isang lalaki pa ang lumapit at tinawag ang unggoy na nasa tabi ko.

Hindi ko na sila pinansin hanggang sa umalis sila sa tabi ko.

Nahiga lamang ako sa sunlounger. Bago ako pumikit ay nakita kong may lumapit na isang lalaki kay Zam. Si Ysabela naman ay katabi na si Zake.

"Yui!" si Autumn. Nilingon ko ito at may kung ano siyang inginunguso.

"What?" Walang gana kong sabi.

"I dare you to kiss that hottie." Hamon niya.

Tinignan ko ang lalaking sinasabi niya. May hawak itong surfboard at umaahon sa tubig. May sumalubong na dalawang lalaki rito at nagfistbump sila.

Dalawang sunlounger ang layo mula sa aking inuupuan ang pinuntahan ng tatlo. Nilingon kong muli si Autumn na nakangising gaga sa akin.

"C'mon before you leave." Sabi niya.

Tumayo ako at inayos ang nagusot kong damit bago lumapit sa tatlong lalaki.

"Yo!" Pagkuha ko sa atensyon nila.

Pumito ang isa sakanila ngunit hindi siya ang sadya ko.

"I'm Autumn and i want to kiss you." sabi ko sa lalaking itinuro ni Autumn. Ayokong mabahiran ang pangalan sa kagagahan niya.

Humagalpak ng tawa ang dalawang kasama niya samantalang siya ay nalaglag ang panga.

"A torrid one hershey!" Hiyaw ni Autumn. I raised my middle finger on her saka ako lumapit sa lalaki.

Kaunting espasyo na lamang ay mahahalikan ko na ito nang may humila sa aking baywang at batok saka lumapat ang mga labi ko sa labi ng tampalasang lalaki.

"Ako lang ang may karapatan na makahalik sayo." Si Raiden ng humiwalay sa akin.

"What the fuck!" Mura ko sakaniya saka siya sinapak na nailagan niya.

Nilingon ko si Autumn na ngayon ay nasa tabi na niya si Raijun na dating si Yoh Sajie.

Tumalikod ako kay Raiden at nagmartsa papasok.

"Aalis ka parin ba?" Tanong nito habang sinasabayan ako sa paglalakad.

Hindi ko siya sinagot. Muntikan ko ng makalimutan ang totoong sadya ko sa pagpunta rito.

Lumiko ako sa pangalawang pasilyo. Ramdam ko ang presensya ni Raiden na sumusumunod sa akin. Paliko-liko lamang ako sa mga pasilyo hanggang sa mailigaw ko na siya.

Pumasok ako sa isang secret room. Umilaw ng kusa ang mga ilaw ng maisarado ko ang pinto.

Limang hakbang ang ginawa ko at umupo ako upang hanapin ang isang button na nasa sahig, nang makapa ko iyon ay gumalaw ang mga tiles at gumawa ito ng hagdan pababa.

Umilaw ang mga ilaw sa pagbaba ko. Nilingon ko ang dinaanan ko na unti-unting sumasarado sa bawat pag hakbang ko. Isang maliit na silid ang nasa dulo. Pinatay ko ang ilaw at lumitaw ang mga laser na humaharang sa gitna kung nasaan ang Exile Gem. Napangisi ako ng makitang muli ang liwanag nito.

Ngayong alam ko na ang maaaring magawa ng bato ay kailangang mapangalagaan ko ito. Inilabas ko ang isang shuriken at inihagis iyon patungo sa isang buton na papatay sa mga laser. Saktong tumama iyon doon saka ako lumapit sa bato.

Napangisi ako ng mahawakan ko muli ito. Hindi alam ni tanda na ninakaw ko ito sakaniya ng gabing iyon at pinalitan ng isang pekeng bato.

A powerful gem that can kill and give life to many people. I am Yui Rann Chikama and I rather die old than to live using a fucking gem.

**
End

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now