TMH 49

1.5K 48 2
                                    

Yo! Promote ko lang muna yung new story ko lol hahaha! Good Girls are Bad ang title, check niyo nalang sa works ko :) may trailer video yun panoorin niyo. thanks! yay!

#Italics are flashback.

**

AYUMI

Hinihingal akong napaupo sa kama. Ugh! That dream again! Bumangon ako at lumabas ng kwarto, saka tumungo sa kusina upang kumuha ng tubig.

Babalik na sana ako pero may narinig akong pagtawa mula sa labas. Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Princess na tulala lang sa manibela ng kotse habang pasakay si Raiden sa front seat.

Hindi ako mapakali nang makaalis sila kaya nagpasya akong sumunod. I feel like i need to follow them, masyado akong kinakabahan at alam kong aatikihin ako sa puso kung mag hihintay lang ako dito.

Halos kalahating kilometro ang layo ko sa sasakyan nila. Iilan lang ang mga kotseng kasabay namin dahil madaling araw pa lang naman.

Bigla akong napapreno ng may sumulpot na puting kotse sa daraanan ko. Ugh! Bakit ngayon pa? Bwisit!

--
YUI RANN CHIKAMA

"Give a little time to me or burn this out,
We'll play hide and seek to turn this around,
All I want is the taste that your lips allow"

Sinipat ko ang rearview mirror at mukhang naharangan na ang kotseng sakay ni Ayumi. Psh ang ingay kasi ng kupal na to kaya nasundan tuloy kami.

"My, my, my, my, oh give me love,
My, my, my, my, oh give me love,
My, my, my, my, oh give me love,
My, my, my, my, oh give me love,
My, my, my, my, give me love.."

Napakunot noo ako dahil pansin kong kanina pa niya kinakanta yan. May kasama pang pagpalo sa compartment ng kotse ko.

Ala una palang ng madaling araw pero itong kupal na to na ang kasama ko. Tinapakan ko yung preno at kung hindi lang siya naka seatbelt ay susubsob ang mukha niya sa harapan.

"Shit." narinig kong daing niya bago ako bumaba sa kotse.

Pinasadahan ko ng tingin ang isang matayog na gate. Tsk. Mukhang pahihirapan pa ko nito.

"Muntikan na kong mabangasan dun ah." inayos niya yung buhok niya saka ginulo. Kupal talaga.

Lumapit ako sa gate at sinipat ang nasa loob nito.

"Dapat iniingatan mo ko. Ikaw din, hindi mo pa natitikman yung katawan ko mabubyuda kana agad." he proudly said. Hindi ko na pinansin, bukod sa sayang ang laway ko hahaba lang ang usapan kapag pinatulan ko pa ang kayabangan ng kupal na to.

Mas madaling makapasok kung dito kami sa harapan dadaan. Siguradong mas maraming bantay sa likuran. Inihagis ko yung lubid na may kawit sa dulo pataas, nang masiguro kong ayos na ito ay nagsimula na kong umakyat, ganoon din ang ginawa ni Raiden.

"Umamin kana kasing inlove ka sa'kin kaysa sa iba ko pa nalalaman." pinigilan ko ang sarili kong bangasan siya. Ang tanga naman kasi ni Ysabela, hindi lang tanga kundi duling pa. Ang akala ko pa naman nabasa niya yung plano namin ngayon ng kupal na kasama ko, ang nabasa pala niya ay iyong kalandian ng lalaking nasa gilid ko tss.

Mabilis akong nagtago sa isang puno ng may lumabas na dalawang lalaki mula sa main door ng bahay. Ganoon din si Raiden na muntikan pang madapa dahil sa pagkakatalisod. Gusto kong matawa pero hindi nga pala ako tumatawa. Napailing nalang ako sa katangahan niya.

Inayos ko yung silencer at maingat na pumasok sa loob nang makalagpas na sa amin yung dalawang lalaki.

Pagkapasok ko palang ay umapaw na sa paningin ko ang modernong mga kagamitan. Seems she really use her membership over this shit huh.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now