TMH 14

3.7K 109 2
                                    

AYUMI SAKAI

"Seventeen, eighteen, nineteen." sa wakas ay naka nineteen pieces na ko ng loombands! Nakakapagod din palang gumawa neto. Nine hundred eighty one pieces pa ang kailangan.

"Dinner is ready!" tawag sa amin ni Kamia. Nandito pa din kasi kami sa gymnasium kaya kailangan pa naming bumaba para makarating sa kusina.

Tinignan ko sina Aika at Yimhie na agad sumunod kay Kamia, kanina pa nga sila nagrereklamo at naiirita sa pag gawa ng loom bands kaya walang natatapos sa mga ginagawa nilang dalawa.

"Let's go?" inalok ni Kyo ang kanang kamay niya sa akin na agad ko namang tinanggap hihi.

Si Kyo? Gusto ko siya. Hindi mahal ko na ata siya. Simula ng makapasok ako sa Chikama Empire ay siya na ang tumulong sakin at laging nakakasama ko. Ganoon na nga siguro na kung sino ang madalas mong makasama ay yun din ang taong madaling magustuhan mo.

"What the hell she's doing here?" dinig kong tanong ni Princess, nagbabangayan na naman sila dahil kasama ni Young Master ang kanyang fiancee na si Lady Mavi.

Hindi sila magkasundo ni Princess dahil madalas ay kinokontra siya nito at laging minamasdan ang bawat kilos niya.

Minsan ngang na late ng gising si Princess ay binuhusan niya ito ng nagyeyelong tubig para lang magising ito.

"Ang init na naman ng ulo mo girlfriend." Sabat ni Patrick at inakbayan si Yui saka hinila niya ito papuntang kusina.

Nasanay na talaga siyang tawaging girlfriend si Princess.

"You have to deal with it! Kailangan mong makilala bilang kapatid ng may-ari ng Exile University. Got it?" nakayuko lang kami habang kumakain. Gulo na naman ito.

"Gustong-gusto mo yan, bakit hindi nalang ikaw?" nakapokerface na sagot ni princess. Napa-angat ako ng bahagya ng biglang inihagis ni Lady Mavi ang hawak niyang knife sa gawi ni Princess, buti na lang ay nakaiwas ito. Sigurado naman na inaasahan niya iyon ang gagawin ni Lady Mavi.

"Limang taon at ngayon lang ulit tayo nagkita hindi parin nagbabago yang tabas ng dila mo!" iritang tinitigan siya ni Lady Mavi ngunit patuloy lang sa pagkain si Princess.

Samantalang tila walang pakealam si Young Master dahil abala lang ito sa paghiwa sa beef steak na niluto ni Kamia.

"Tumingin ka sa'kin kapag kinakausap kita!" utos nito ng hindi parin siya pinapansin ni Princess.

"Kuya it's non sense." kalmadong sabi ni Princess na hindi pinapansin ang fiancee ng kanyang kuya.

"Wala namang problema kung malalaman nila na kapatid kita. She's just protecting you." pag e-explain nito sa gustong mangyari ng kanyang Fiancee.

"I can fucking care of myself." Aniya.

"Watch your word young lady!" sermon sakanya ni Lady Mavi.

"Then better shut your ears and dont listen." binaba ni Princess ang hawak niyang kubyertos at tumayo na.

"Im done, excuse me." paalam nito sa amin at sinundan naman siya ni Patrick.

--

ZAM HOWARD

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, sinilip kung ano ang ginagawa niya. Abala na naman siya sa harapan ng computer, si kuya talaga.

"Knock! Knock!" napatingin siya saglit sakin pero agad din binawi ang tingin niya at humarap ulit sa pinakamamahal niyang computer.

"Kuya." nakangiti kong tawag sakanya habang sinusundot pa ang tagiliran niya ng makalapit ako sakanya.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon