TMH 36

1.6K 58 0
                                    

[THIRD PERSON POV]

Nanuot sa balat ni Autumn ang sikat ng araw nang makarating sila sa dalampasigan. Puting buhangin, mga tipak ng bato at kulay na asul na dagat at kalangitan ang kaniyang pinagtuonang pansin. Somehow ay maganda parin pala ang napuntahan nila.

"Shocks! I miss the earth!" Pa-hysterical na sigaw niya dahil sa isang linggong pamamalagi nila rito ay ngayon lamang sila nakalabas. Yeah. One week silang nasa training ground at magpapahinga lamang kapag oras ng pagkain at pagtulog. They have no choice, as if alam nila ang palabas. Masyadong malawak iyon at talagang maliligaw ka dahil sa dami ng pasikot-sikot.

Maliban sakanila ay may iilan ding nagtatampisaw at naliligo sa dagat. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pag-iwas ng mga taong naroon sakanila. Miminsan ding nararamdaman niya ang mga titig ng mga iba sakanila na animo'y mga patalim na anytime ay kaya silang patayin.

"At sa tingin mo naman lumabas ka talaga ng earth?" Pagtataray ni Ysabela sakanya.

"Duh? As if naman hindi mo naramdaman na hindi earth yung inaapakan mo bago makalabas?" Pag-irap ni Autumn.

Ngayon ay wala na silang pakialam sakanilang paligid. Kung dati ay maingat silang mag-usap at gumalaw, ngayon ay bulgaran na. Pakiramdam nila ay sa bawat paglalapit nila ay may kung sinong napufrustrate sa paligid nila, nasisiyahan sila sa isipang iyon.

"Ugh. This is really insane." Mabigat namang umupo si Zam sa puting buhangin. Pilit iniinda ang bugbog sa katawan.

"Hoy! Nakikita mo yun?" Tinapik naman ni Ysabela ang balikat nito at naupo sa tabi niya. Hinayaan niya munang maglakad-lakad palayo ang maarteng si Autumn. Simula ng makatuntong sila sa islang ito ay madalas sila na ang nagbabangayan.

"Hindi. Bulag ka eh." Sagot ng bruha at inilatag ang dalang puting towel saka nahiga roon.

"Bakit ba naman kasi wala dito si Yui na walang inaatrasang dare--" bigla ay naiwan sa ere ang kanyang sasabihin ng mapagtanto ang kanyang sinabi. Realization hits her. Wala ba talagang pakialam ang bruhang yun sakanilang tatlo? Dapak. Makakatikim na talaga iyon sakanya kapag nagkita sila. Pero kailan? Tangina naman isang linggo na.

Tumayo na lamang siya upang mag tampisaw. Baka sakaling maibsan ang kanyang inis at unti-unting umuusbong na galit.

"Ano ka ba namang unggoy ka! Walang saging sa dagat!" Bigla ay sigaw niya ng hatakin siya ni Zake upang salabungin ang alon.

"Shit." Munting mura niya ng nanuot sakanyang balat ang tubig alat. Idagdag pa na nakasuot pa ito ng plain black sando at puting shorts na hindi na niya nagawang hubarin dahil sa balahurang unggoy na hawak-hawak ang kanyang kanang kamay.

"Gago ka, kung sinusumpong kang mongoloid ka pwede ba wag mo kong idamay?!" Naiiritang binawi niya ang kanyang kamay sa binata.

Napahagalpak naman ng tawa si Zake dahil sa kasupladahang pinapakita sakanya. Walang tigil niya itong binasa gamit ang dalawang palad niya. Bigla ay nalaglag ang panga nya ng hubarin ni Ysabela ang suot nitong sando at ihagis sa mukha ni Zake.

"Pakyu!" Sigaw ni Ysabela. Hindi pa man nakakabawi si Zake ay inihagis ulit sakanya ang suot nitong shorts at nagsimulang lumangoy palayo sakanya.

"Woah. Hahahahaha!" Natatawaang komento niya ng mahimasmasan siya at binalingan ang batong malapit upang iwan doon ang damit ng dalaga saka sinundan niya ito sa paglangoy.

--

"Zam." tawag ni Autumn sakanyang kaibigan na mukhang nakatulog na sa ilalim ng sikat ng araw.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon