TMH 5

7.1K 179 6
                                    

YSABELA CAYE EBREO

Pagkababa palang sakanyang kotse ay marami ng bulungan na madidinig sakanyang paligid. Nasa likuran niya ang paparating na anim na itim na mga kotse.

"Siya na ba yan?"

"Ang ganda niya!"

"Tss. Feeling maganda."

Taas noo siyang nag lakad at hindi pinansin ang bawat sasabihin ng nasa paligid niya. Ano pa bang aasahan mo sa isang Ysabela Caye Ebreo? She's too beautifully confident para lang pag-aksayahan ng kahit isang segundo ang mga panget na nakapaligid sakanya.

"Kyaaah! Ang gwapo naman ng pitong yan! Dont tell me mga bodyguard sila? Omg!"

"Waaah! Kahit bodyguard pa sila yummy yan!"

"Basta sa akin yung pula ang buhok! Hihihi!"

"Hi girls!" bati ni Saichi sa tatlong babae.

"Kyaaaaah!" kinikilig naman ang mga ito ng pansinin sila ng malanding higad na lalaking ito.

"Aray! Ano ba?!" reklamo ni Saichi nang batukan siya ni Yeshica.

"Mamaya na yang landi mo! Si princess nawawala!"

"Oh ano pa hinihintay mo? Hanapin mo na." inis na sagot niya.

"Gago ikaw na lang hinihintay." iritang sabi ni Yeshica.

Pagkatingin nya sa paligid ay wala na ang kasamahan niya at tanging papalayong likod ni Yeshica ang natatanaw niya. Kaya wala na siyang nagawa kundi sumunod dito.

Napairap na lang si Ysabela ng malagpasan niya ang mga chakang nagkakagulo.

--

YUI RANN CHIKAMA

Nagdesisyon akong dumaan sa back gate ng university. Alam ko namang maraming matang nag-aabang sa pagdating ko rito. And I really hate fucking attentions, lalo na ngayon na hindi ko na kailangang mag panggap na ordinaryong estudyante.

"Bawal mag park dito miss." salubong ng isang lalaking kakababa lang sa malaking puno na pinag park ng motor ko. Si Mr. Innocent jerk lang pala.

Teka anong ginagawa nito dito? Kanina lang nasa likuran ko sila at alam kong sa front gate sila dumaan. Tss. Ang weird ng lalaking ito. I once glance to his left arm. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan lang siya.

"Hey! Sabi ko bawal magpark ng motor dito miss."

Shit. Did he.. Fuck!

"Back-off." sabi ko at binawi ang kamay ko.

Gago to. Lakas ng loob hawakan ako.

"Tss. Masungit kapa din." natatawang sabi nya at kinuha ang motor ko.

"Hoy! Saan mo dadalhin yan?" Napanganga nalang ako ng kaladkarin niya iyon na parang kariton lang.

"Doon sa kung saan pwedeng magpark." He's really annoying. Too much to handle and im nearly killing him. Hindi ko alam pero may kung ano sakanya ngayon na mas nagpainis saakin. Kanina inis lang, ngayon ay sobrang inis na.

--

YIMHIE SHINAIKA

"Nasaan na ba kasi yun?! Dami talagang arte sa buhay ni princess!" reklamo ni Aika sa tabi ko.

"Pa paging kaya natin sa Office?" suhestiyon ko. Hinihingal na kasi ako sa paghahanap.

"Gaga welcome to hell ang abot mo." Ngiwi niya at nagpatuloy sa paglalakad.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now