TMH 2

18.2K 299 15
                                    

[PRESENT]

YUI RANN CHIKAMA

♫ Putting my defenses up, cause I dont wanna fall in love. If I ever did that, I think I'd have a heart attack ♫

Nang makapasok siya sa loob ng isang club ay siya ding pagtugtog ng intro ng paboritong kanta niya.

Labing-pitong taong gulang pa lamang siya ngunit nagawa niya paring makapasok sa mga ganoong lugar. Halos lahat ng mga sikat na club sa lugar nila ay pagmamay-ari ng kanyang kuya. Ngunit hindi sapat na dahilan iyon upang maging malaya sa paglabas-pasok sa mga ganoong lugar. Sadyang napaka pasaway lamang niya at nagagawa lahat ng kalokohang gusto niya.

Why this place is so fucking damn boring? Bulong niya sakanyang isipan at diretso lang ang kanyang tingin sa may counter ng bar na kanyang pinasukan. Wala siyang magawa kundi pumasok doon upang makatakas sa mga humahabol sakanya. She wants to take some shot na madalas niyang ginagawa kapag nakakapasok siya sa mga lugar na ganito. Pretending to be a badass drinker.

Nang makaupo na siya sa may bar counter ay tinitigan siya ng bartender na animo'y isa siyang pakawala sa kulungan at kailangan muna siyang suriin nito. Tinitigan niya pabalik yung barista na nasa counter at kusang nag-iwas din ito ng tingin sa dalaga ng mapagtanto kung sino ang nasa harapan niya.

"A-hh Miss Yui, pinagbilin po kasi ni boss na bawal po kayo rito." nauutal na sabi ng barista kay Yui.

"Just give me a drink." balewalang utos ng dalaga sa barista.

"Pero Mis--"

"Just give me a fucking drink!" pagputol niya sa sasabihin nito.

Napailing nalang ang barista at binigyan niya ang dalaga ng isang shot ng tequilla.

"Hey! Chill ka lang miss." bago pa man niya inumin ang alak na kakaabot lang sakanya ay may biglang kung sinong unggoy ang lumapit sakanya.

"Do i know you?" sarkastikong tanong niya sa lalaki at tuluyan ng ininom ang alak. Napangiwi siya sa naramdaman niyang init sakanyang lalamunan.

"No. But here, I'm Terrence Jake. Tj for short." pagpapakilala ng binata sakanya saka inialok ang kamay nito na binalewala naman ng dalaga.

"Just go and fuck your ass." Sinulyapan niya lamang ng isang segundo ang binata at humingi pa ng isang shot sa barista. Madaling mag init ang ulo niya sa mga ganitong tipo ng lalaki.

"Nagpapatawa ka ba? I can't fuck my ass, your ass maybe." Tj teased.

"Nah. Laugh 'til you die." pinaglaruan niya muna ang basong hawak niya bago inumin ang laman nito.

"Ang sungit mo naman. Ako kaya ang future boyfriend mo. Kaya wag ka masyadong mag sungit at baka ngayon palang maging girlfriend na kita." ngisi ng binata sakanya.

"Malanding higad ang gago." napailing nalang ang dalaga saka tumayo upang umalis na sa club na iyon.

Samantalang narinig naman ni Autumn ang pag-uusap ng dalawa kaya ng umalis si Yui ay nilapitan niya ang binata para gawing biktima sa gabing iyon. Pero nagulat siya ng makita nito ang gwapong mukha ng binata na inayawan ng dalagang kausap nito kanina.

"Hi." bati niya sa binata ng umupo ito sa kinauupuan ni Yui kanina.

"Hey?" ngumisi naman ang binata sakanya.

"Are you alone?" Tanong ni Autumn habang nilalaro nito ang dulo ng kanyang buhok.

"No. Im with you." nakangising asong tugon ng binata.

"Hahaha! What a loverboy." napangisi din ang dalaga sa naging sagot ng kanyang kaharap.

"Im broken. You know." mahinang sabi ng binata.

"I'll fix you then." nagkibit balikat lamang ang dalaga saka humingi ng isang shot sa barista.

He just smile for a response, na animo'y di makapaniwala sa sinabi ng dalaga sakanya.

"I'm serious, I'll make you fall in love with me." sabi nito at ngumisi.

--
YSABELA CAYE EBREO

It's already nine in the evening ng matapos siya sa pagsha-shopping ng kanyang mga damit na susuotin para sakanyang pag pasok.

Nakaramdam siya ng gutom kaya dumiretso siya sa isang fast food.

Unang pag apak palang niya sa loob ng naturang fast food ay nasa kanya na lahat ng mata ng mga kumakain roon. Hindi maitatanggi ang taglay nitong kagandahan. She flipps her hair like a goddess at luminga sa buong loob. Maraming tao at tanging isang bakanteng upuan lang ang nakita niya sa isang mesang nasa sulok. May dalawang babae na roon na nakapwesto kaya lumapit siya rito ng maka order na siya.

"Hi! Can i sit here?" tanong niya sa dalawang babaeng nag uusap.

Napataas naman ang kilay ng isang babae ng makilalang si Ysabela ang babaeng lumapit upang makiupo sa pwesto nila.

"Ahuh. Sure!" ngiti sakanya ng babaeng walang kamalay malay na umiinit na ang dugo ng kasama niya.

"I'm Chantal and this is Zam. You are?" pakilala nung babae.

"Ysabela." tipid na sagot nito at bumaling kay Zam na ngayon ay masama na ang titig sakanya. Kumunot ang kanyang noo at napagtanto kung sino itong babaeng kaharap niya na halatang inis na inis sa presensya niya.

"Ohh! Zam, Jc's sister. Hahaha!" tawa niya ng makilala ito.

"Tss. Baliw!" pag-irap niya sa dalaga. Ayaw na ayaw niya kay Ysabela tulad ng pag ayaw nito sa relasyon ng dalaga at ng kanyang kuya noon.

"Tara na nga Chantal! May masamang damo rito at baka agad kong mapatay." tumayo siya at hinila ang kanyang kasama.

Napangisi nalang si Ysabela. Hanggang ngayon pala ay may galit parin sakanya ang bruhang iyon. Kasalanan niya bang maging sobrang ganda at magkandarapa sakanya ang mga lalaki sa buong eskwelahan nila noong high school?

**

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon