TMH 24

2.1K 61 0
                                    

YUI RANN CHIKAMA

"The princess of Chikama Empire." sabi nito habang nakatalikod sa akin at nakaharap sa kawalan.

"Is that a compliment or maybe a curse?" naglakad ako patungo sa direksiyon niya. Malutong na pagtawa ang natanggap kong sagot mula sakanya.

"Old-butt." Sabi ko at tumabi sa gilid niya saka tumingin sa napakadilim na paligid sa labas at tanging mga iilang nag-aalab na torch lang ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid.

"So how's the goons?" turan nito sa kanyang ipinadalang mga tauhan upang sunduin ang ako.

"What do you want?" tanong ko. Wala akong panahon para mag aksaya ng oras sa lugar na ito. Umalis siya sa tabi ko at nagtungo sakanyang mesa. Binuksan niya ang isang cabinet at may kinuha siyang apat na maliliit na box roon.

"You kidnapped me just to give this fucking necklace?" Sabi ko ng iabot niya ang isang box sa akin at makita ko ang laman nito. Isa itong kwintas na mayroong pendant ng isang kulay pulang dragon na nakahawak sa tangkay ng isang pulang rosas.

"Just a little christmas present for the four of you." Ngumisi lang siya at iniabot sakin ang tatlo pang box.

"Ahh ngayon naman side-kick ako ni santa claus." Guguluhin niya ang pananahimik ko sa islang iyon para lang ibigay ito? Ginagago ako ng matandang to.

"Hahahaha those necklace have their own purposes and it's you to find out young lady of Chikama." He said.

"Gago." Bulong ko at umupo sa isang couch sa harap ng mesa niya.

"How about the kid? Ang alam ko ay nakabalik na siya." Tanong niya dahilan para mapatayo ulit ako at tignan siya ng masama.

"Dont you dare to touch him." Sabi ko bago tumalikod sakanya.

--
[THIRD PERSON POV]

Mabilis na humarurot palabas ng mansiyon ang dalawang motorsiklo. Nangunguna si Tuguchie habang sumusunod naman si Yoh sakanya gaya ng sinabi nito. Wala itong kahit na anong hinuha sa pupuntahan nila at tanging pagsunod sa binata lang ang kanyang magagawa kahit pa na may kung anong madilim na aura sa pagitan nilang dalawa.

Samantalang abala naman si Yeshica sa harapan ng kanyang laptop. She must found a link immediately, kahit sa ano pang paraan. Mahigit limang oras na ang ginugol niya ngunit nahihirapan siya dahil wala itong kahit na anong hint sakanyang hinahanap. Namumugto na ang pawis sakanyang noo dahil sa magkahalong kaba at pagkairita sa pagkawala ng dalaga kahit pa na naka bukas ang aircon sa loob ng silid na kinaroroonan niya.

Hindi naman nag aksaya ng panahon sina Kenji at madaling nakarating sa isang underground city na pugad ng mga gangster at assassin. Kailangan nilang mapuntahan ang leader ng isang grupo na madalas doon ay namamalagi. Ganoon din ang ginawa ng iba pa nilang kasamahan, na mabilis na kumilos upang makahanap ng impormasyon tungkol sa inutos ni Tuguchie.

"Nasaan na kaya yung bruhang yun?" Inaantok na tanong ni Zam habang nakasalampak sa sahig at abala ang mga mata sa panunuod. Kanina pa ito nag-aalala ngunit mukhang siya lamang ang nasa ganoong sitwasyon dahil kampanteng nakaupo ang dalawa niyang kasama sa tabi niya. Nanunuod lamang ang mga ito at walang bakas na pag-aalala sakanilang mga mukha.

Pagkaraan ng ilang minuto ay tumunog ang cellphone nito. Inakala niyang ito si Kenji ngunit unknown number ang nakarehistro sa screen ng kanyang cellphone.

Pagkasagot niya ay isang tinig ang kanyang narinig at nagsasabi ng isang lugar sakanya. Hindi pa man ito nakakasagot ay pinatayan na siya ng kung sinong tumawag sakanya. Saglit na kumunot ang kanyang noo at tinitigan ang numerong tumawag sakanya saka bigla itong napatayo ng marealize kung sino ang nagmamay-ari ng boses at numerong iyon.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon