TMH 39

1.4K 56 0
                                    

[THIRD PERSON POV]

"Bakit mo sinira ang Empire doctrine?!" Umigting ang panga ng matanda habang nakangisi lamang sakanya si Yui.

"Trip ko lang." Sagot naman nito na akala mo eh nakikipaglokohan sakanya ang matandang nasa harapan niya.

"Sa ginawa mo ay lahat sila ay tumiwalag na!" Nanggagalaiting sigaw ng matanda.

"Ganun ba? Hindi ko alam yun ah." Tila inosenteng sabi pa nito, nangingiti sa pagkainis ng matanda sakanya. Kayang-kaya niyang pagtripan ang isang matandang Chikama.

"Yui Rann Chikama! Alam mo kung anong mangyayari sayo sa oras na wala na ang Empire Doctrine!" Anito at tinignan ng masama si Yui.

"Hindi ko ata alam?" Nagkibit balikat pa ito saka pinaglaruan ang isang pen na galing pa kay Patrick. Pinapaikot niya ito gamit ang kanyang mga daliri.

Hinampas ng matanda ang lamesang namamagitan sakanila ni Yui. Hindi na niya alam ang gagawin niya sa dalagang ito.

"Are you done?" Mapaglarong tanong ni Yui sakanya. Huminga ito ng malalim at muling hinarap ang napakapilya niyang kadugo.

"Tell me who is Serene Ryusei?" Natigilan ang matanda ng tanungin iyon sakanya ni Yui.

"What's with your epic face grandpa?" Natatawang usal ng dalaga. Tumindig naman ang matanda at umupo sa swivel chair nito.

"Siya ang pumalit sa pwesto ni Kento Ryusei." Pormal na sagot ng matanda.

Sa isip-isip ng dalaga ay dapat alam na ng kanyang lolo na sa oras na nagtanong siya sa isang bagay ay siguradong alam na niya ang sagot.

"Then it settled." Ngumisi muli ang dalaga at tumayo na.

"Leave it all to me old hug. All you have to do is to rest and give your soul a chance." Biro nito sakanyang lolo na hindi maipagkakailang may katandaan na dahil sa hawak nitong itim na tungkod saka tuluyang lumabas sa silid ng matanda.

Nang lumabas siya sa gusaling pinanggalingan ay tanging sinag ng buwan ang sumalubong sakanya.

Bigla siyang naging alerto ng maramdaman niyang may isang lalaking nag aabang sakanya mula sa malayo. Binunot niya ang baril mula sa loob ng itim na jacket na suot niya at nagmartsa palapit dito.

"Akio Raiden Ryusei." She whispered. Sa wakas ay nagkita muli sila ng binata.

Nakataas ang dalawang kamay nito dahil sa nakatutok na baril sakanya ng dalaga. Pero hindi iyon hadlang sa pag ngisi niya. Natutuwa pa ito dahil nakita niya ulit si Yui.

"Take-off your mask." Utos ni Yui. Nung una ay instinct lamang ang gumana sakanya upang kilalanin ang totoong pagkatao ng lalaking nasa harapan niya. Ngunit ng magtama ang kanilang mga mata ay natukoy nito kung sino talaga ang binata.

"Hahaha you got me huh?" Kahit na nakataas ang dalawang kamay nito sa ere ay hindi niya mapigilan ang pagtawa. Alam niyang darating ang pagkakataon na ito ay malalaman din ng dalaga kung sino talaga siya. Ngunit hindi ang mga plano niya.

"Ugh." Napadaing siya ng paputukan siya ni Yui at tamaan ang kanyang braso.

"I said take off your mask." Kasabay ng pagtama ng ilaw ng bwan sa mukha ni Yui ay nakita ni Raiden ang napakadilim na mga mata nito.

"Mas maganda sigurong ikaw ang matatanggal nito mahal kong prinsesa." Kahit na natamaan ito ay hindi niya iyon ininda at ngumisi parin.

Humakbang si Yui palapit sakanya na hindi parin tinatanggal ang pagkakatutok ng baril sa binata. Pero yun ang pagkakamali niya dahil mabilis na hinatak ng binata ang kamay nitong may hawak na baril ng maagaw niya ang baril ay mabilis niya itong inihagis sa malayo.

The Mafia Heiress (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat