TMH 48

1.5K 47 19
                                    

YSABELA CAYE EBREO

Nang maramdaman ko ang lamig ay umaahon na ko sa pool. Bwisit kasing unggoy, hinila ako.

Nilagpasan ko sina Yui at Tuguchie saka ako tumuloy sa bathroom. Buti nalang kumpleto ito sa gamit. Sinuot ko yung isang puting bathrobe at kumuha na din ako ng isang towel para patuyuin yung buhok ko.

Muntik na kong atakihin sa puso ng bumungad sakin si Zake pagkalabas ko sa banyo.

"What?" tinaasan ko siya ng kilay. Nag ngingising unggoy na naman siya.

"Sinisigurado ko lang na hindi ka nalunod sa bathroom." sabi niya habang nakangiti. Ang pogi pala ng kumag na to, bagay sa kagandahan ko. Pero hindi ko yun sasabihin sakanya, manigas siya.

"Eh kung ikaw ang lunurin ko sa toilet bowl?" bulyaw ko sakanya pero ang unggoy mas lalo lang gumwapo sa pag ngiti niya.

"Handa akong malunod basta ikaw yung mag si-CPR sa'kin." inakbayan niya ko at di ko napigilan yung ngiti ko. Ang corny ng unggoy. Siniko ko siya ng malakas sa tagiliran niya at iniwan siyang namimilipit sa sakit. Maka tsansing lang eh.

Kinabukasan, bumungad sa'kin yung nakakalokong ngiti niya.

"Let's go?" binuksan niya yung pinto ng kotse niya sa passenger seat. Aba nagpapaka-gentleman ang unggoy?

At dahil maganda naman ang kotseng dala niya na bagay sa kagandahan ko ay sumakay na ko.

Halos mag-iisang taon na din niyang ginagawa to. Pero di pa din ako nasasanay, pakiramdam ko anytime magkakapimples ako dahil laging nag iinit yung maganda kong mukha kapag nagpapaka-corny siya.

Pag dating namin sa EU ay nakita ko si Yui na pababa sa kotse niya. Himala, maaga ata ang bruha at marunong na siya mag park ng maayos?

Sumandal siya sa kotse niya habang nakatitig sa kotseng sakay namin.

"Looks like two monkeys are fit together." Bungad ni Yui pagkababa namin ni Zake sa kotse.

"Hahaha! Bagay ba Yu?" sabi naman ni Zake tapos inakbayan ako. Yu? Kailan pa sila naging close? Nagpumiglas ako pero ang higpit ng hawak niya.

"Bagay. Right Ysa?" ngisi ni Yui. Tapos tinalikuran na kami. Oh gad!

Hanggang sa cafeteria ay inaasar na ko ni Yui tungkol kay Zake. Tsk. Bwisit kasing unggoy na yun, kung makadikit dinaig pa yung linta!

"So we have 1 week retreat in tagaytay yipiee!" na e-excite na sabi ni Zam.

"Sayang hindi natin makakasama si Autumn." dagdag niya.

"She can join." balewalang sabi ni Yui. Buti nalang tumigil na siya sa pang-aasar sakin. Kasi konting-konti nalang talaga ibabalik ko na siya sa sinapupunan ng mommy niya.

"Ysa si Zake oh." sabi niya habang nginunguya yung pagkain niya. Agad naman akong napalingon sa pintuan ng Cafeteria.

"Tsk. Hahaha! Monkey syndrome!" natatawang sabi niya. Muntik pa siyang mabulunan. Akala ko naman titigilan na niya ko psh.

"Ilang beses ko bang sasabihin na nakisakay ako kasi nasiraan ako?" ismid ko sakanya pero patuloy parin siya sa pag tawa. Kairita. Nahawaan na siya ni Zam, mas gusto ko pa talaga yung cold siya.

"Mga unggoy talaga bagay sa kapwa nila unggoy." sumali pa tong Zampot na to. Mag wo-walkout na sana ako pero bigla nalang dumating sina Raiden. As usual kasama na naman niya yung tatlo.

"Hi babe." pinanlakihan ko ng mata si Zake ng kumuha siya ng upuan at tumabi sa'kin.

"Is it done?" rinig kong tanong ni Raiden kay Yui.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon