TMH 37

1.5K 54 0
                                    

JHASZHIN TAN

"Pinuno." We bowed our head ng makarating na kami sa Exile Island at sinalubong kami ni Mr. Clark sa isang rooftop kung saan lumapag ang chopper na sakay namin.

Tumango lamang ito at pinasunod niya kami pababa ng rooftop.

Pumasok kami sa isang kwarto na parang opisina dahil sa mga kagamitan.

"Alam niyo na siguro kung bakit nandito kayo." Bungad niya na agad ko namang sinang-ayunan.

"Upang protektahan si Lady Autumn." mariing sabi ko.

"And kill who will be burden to our sight." Pagtutuloy nito sa sasabihin ko.

"Makakaasa kayo pinuno." Once again we bowed.

"Mukhang kulang ata kayo ngayon." Usal niya na nagpatayo sa amin ng diretso.

Wala nga si Eric. Hindi namin alam kung nasaan siya nitong mga nakaraang araw. Pinatrack ko na din siya kay Ralph ngunit hindi parin namin mahagilap ang isang yun. Lagi nalang siyang nawawala kaya ng sinundo kami ng mga tauhan ng pinuno ay hindi na namin siya hinintay.

Ilang araw na din naghihimutok sa galit si Cahrys dahil sakanya. Kaya nag iwan na ata siya ng isang death note sa head quarter bago kami lumipad papunta rito.

"May pinaasikaso lang po ako sakanya pinuno." Pagtatakip ko sa kabulastugan ng isang yun. Siguraduhin niyang may mabigat na rason sya kung hindi ay ako na ang maglilibing sakanya. Tss. Tinanguan ako ni Mr. Clark saka binalingan ang isang babae.

"Ihatid mo na sila." Yun lang at tinalukaran na niya kami.

Inihatid kami ng babae sa isang malaking kwarto na katulad lang ng head quarter namin. May living room, kitchen sa kanang bahagi at apat na kwarto na tutuluyan namin hanggang sa matapos ang lahat ng ito.

"Ralph wala parin ba?" Tanong ko saka umupo sa isang sofa.

"Wala parin eh." Aniya. Napailing nalang ako.

--

CRIZELLE

Alas dos palang ng madaling araw ay nag aayos na kami. Kahit na inaantok pa ko ay kailangan ko ng bumangon, kanina parin ako tinatalakan ni Myrna hehe. Itutuloy ko na lang ang pagtulog ko sa byahe.

"Anak." Napalingon ako sa may pintuan at nakita kong naroon si mama. Nandito na pala sila. Ihahatid ba nila kami?

"Ma." Naiiyak akong lumapit sakanya. Ngayon ko lang ulit siyang narinig na tawagin akong anak. Dati ay napakaseryoo nila nina tita kapag nagkikita kami.

"Fight for what you deserves." Bilin niya at niyakap ako.

"Opo mama." Nilabanan ko ang mga luha ko ng sabihin ko iyon. Hindi dapat ako panghinaan ng loob sa mga oras na ito.

Ilang saglit lang din ay nagpaalam na si mama na aalis na sila. Hindi na nila kami maihahatid dahil may aasikasuhin pa sila.

Nang matapos akong mag ayos at ilagay sa isang bag ang mga gamit na kakailanganin namin ay bumababa na ako.

"Natapos din." Malamig na ismid sa akin ni Azenith. Nag peace sign lang ako sakanila. Ako nalang pala ang hinihintay nila.

"Let's go girls." Mahinahong usal naman ni Myrna saamin.

Sumakay muna kami sa isang van bago makarating sa isang isla kung saan naghihintay na saamin ang isang malaking yatch na sasakyan namin papunta sa Exile Island.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now