TMH 28

2K 64 1
                                    

ZAM HOWARD

Nakakainip ang araw na to, samahan mo pa ng professor na boring magturo at ng mga classmates mong shunga. Pero wala nang mas nakakainip pa kung katabi mo ang bruhang si Ysa. Ilang araw pa lang na tanging siya lang ang kasama ko pero pakiramdam ko isang taon na eh.

Ang tagal ko ng walang nakakausap ng matino lagi na lang siya ang kasama ko. Hindi ko alam kung nasaan na si Szadebebe, ilang araw na siyang hindi pumapasok sa klase, hindi ko rin siya nakikita sa buong campus. Si choco naman hindi rin pumapasok dahil madalas nasa rooftop siya ng accounting building o kaya naman ay sa ilalim o taas ng mga puno para matulog. Wala naman nangangahas sumita sa kanya sa mga professor namin. Takot lang nila na mabugahan sila ng apoy. Hahaha!

Napasulyap naman ako sa tabi ko. Matama siyang nakikinig sa bawat sinasabi ng professor namin na nasa harapan. Nagkakasundo talaga sila, pareho silang boring haha!

Naramdaman niya ang tingin ko sa kanya kaya napalingon din siya sa akin habang kunot ang noo. Ngumisi ako sa kanya.

"Dyosa ko talaga." mahina kong saad.

"Whatever." Sabay irap sa akin.

Pagdating sa cafeteria pumila agad ako para umorder ng makakain. Hindi sumunod sa akin yung impaktang bruha, hindi ko rin alam kung saan siya nagpunta. Nainggit na naman yon sa ganda ko kaya iniwan ako.

Halos magningning ang mata ko nang makita ang strawberry cake. Isang slice na lang ang natitira, mabuti pa ang pagkain hindi ako iniiwan pero ang mga kaibigan ko wala silang lahat. May dalawang babae pa sa unahan ko ang hindi makapagdecide kung anong kakainin nila.

"Sis anong sayo?" Tanong ng babae sa unahan sa babaeng nasa harapan ko.

Tumingin naman ang babae sa mga pagkain nakahain sa harapan namin. Shet wag ang strawberry cake ko kung gusto mo pa mabuhay.

"Wala na bang mas light meal pa manang." maarte niyang tanong kay manang na nasa cashier.

"Puro sweets kasi eh baka masira ang figure ko" aniya.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at pinasadahan siya ng tingin. Chubby siya at kitang kita sa tiyan niya ang naghuhumiyaw na bilbil. Nakita kong napaismid ang kaibigan niya. Pfft haha.

"Edi wow." Mahina kong saad na hindi naman nila narinig.

"Wala na miss yan lang ang nasa menu namin sa araw na to, pasensya na." magalang na saad ni manang.

"Ganun ba. Hmm sige po manang isang coffee caramel cake at isang cappuccino frappe na lang." Napahinga ako ng maluwag yes saakin ka parin strawberry cake my loves.

"Pati na rin po pala yung strawberry cake" pahabol niyang sabi kay manang na sinisimulan ng kunin ang order niya.

Hindi pwede! Akin lang yon. Nakita kong inilalagay na ni manang ang strawberry cake ko sa tray nung dalawa.

"Te orderin mo na rin kaya yung iba pang cake? Nahiya ka pa sa figure mo baka mabitin ka sa dalawa. Hahaha!" bahagya pa siyang nagulat sa sinabi ko bago ako hinarap at pinagtaasan ng kilay.

"Sino ka ba ha?! Bakit ka nangengealam." inis na inis niyang sigaw. Nakuha namin ang stensyon ng lahat ng estudyante nandito ngayon sa cafeteria dahil sa sigaw niya. Ano ba yan! Ayoko pa naman na tinititigan kung gaano ako kadyosa.

"Ha?. Concern lang ako sayo teh. Di ba ayaw mo masira figure mo?" Painosente kong sabi. Nagtaka naman siya sa sinabi ko kaya kumunot ang noo niya at nagdududang tumingin sa akin.

"Nakakataba kaya ang ang strawberry cake at coffee caramel cake. Kapag kinain mo yan masisira figure mo." Dagdag ko pa. Tahimik lang siya at nakatitig sa akin nang naguguluhan.

The Mafia Heiress (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora