TMH 22

2.4K 73 0
                                    

SOMEONE's POV

Biglang nataranta si Autumn ng makitang hinawakan ni Yui si Yoh sa balikat nito, saka tumalon pabaliktad dahilan para masipa niya ulit si Yoh sa likuran. Parang hindi ito nakababad sa tubig dahil nakuha niya pang sipain ng napakalakas ang binata na nakapag patalsik sakanya sa gilid ng pool. Agad niyang nilapitan at ginising si Zam na pumupungay-pungay pa ang mata sa pagyugog nito sakanya ng malakas.

"Wake-up! Kailangan kumalma ni Hershey!" Sigaw ni Autumn sa kaibigan saka mabilis na tumakbo palabas.

Nang makarating siya sa labas ay nakita niya na naroon na sina Tuguchie at tumalon sa may pool para awatin si Yui habang umaahon naman si Yoh sa pool.

"Ghad anong nangyayari?" bulong ng dalaga sa nakikita niya.

"Yesh! The medicine! Fuck!" kinakabahang utos ni Tuguchie kay Yeshica saka lumubog sa tubig at kinarga si Yui paahon sa pool.

"Damn it! Let me go asshole! I will kill him!" hinawakan nito ang ulo ni Tuguchie saka pinag untog ang noo nila dahilan para mapabitaw ito sa dalaga.

"Fuck!" daing ng binata sa ginawa sakanya ni Yui.

"Princess!" nanginginig na tawag ni Tomoyo sa dalaga saka lumapit.

"What?!" lumingon naman ang dalaga sa tumawag sakanya saka biglang nahimatay dahil mabilis na itinarak ni Yeshica ang hawak nitong bagay sa braso ni Yui. Agad siyang sinalo ni Micas saka binuhat siya papunta sa kwarto nito.

"Anong nangyari?" tanong ni Ayumi ng makarating na sila sa kwarto ng dalaga. Lumapit ito sa dalaga saka hinaplos ang maamong mukha nito. Basang basa parin ito at hindi pa nabibihisan. Ni isa sakanila ay walang makasagot dahil wala silang kaalam-alam sa mga nangyari.

"Anong ginawa mo?!" agad namang kinwelyuhan ni Tuguchie si Yoh ng makapasok ito sa kwarto ni Yui. Sa halip na magulat ito sa ginawa ng binata ay ngumisi lang ito ng nakakaloko.

"She's just really that hot-headed." sabi nito saka tinanggal ang mga kamay na nakahawak sa kwelyo niya. Nakapag palit na din ito ng damit na kanina lang ay basang-basa pa. Tumalikod siya at nagsimulang umalis sa kwarto. Sinundan naman siya ni Tuguchie na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Matagal na ding panahon ng makita niya ang dalaga sa ganoong sitwasyon. Nakakatakot na para bang wala ito sa sarili at kayang pumatay ng kahit sino. Agad din namang sumunod sakanila ang lima pang lalaki sa grupo.

--

"Explain pare." ma owtoridad na utos ni Tuguchie kay Yoh ng makalabas sila. Ngunit tahimik lang ang binata na napakamulsa habang nakikipagtitigan sa kaharap niya.

"Ngayon lang siya ulit nagalit ng ganito. Anong ginawa mo pre?" tanong ni Sojie ng makalapit na sila sa dalawa. Samantalang kumunot naman ang noo ni Micas na madalang lang magsalita sakanilang pito. Hindi din ito makapaniwala sa nangyari.

"I'd just kissed her." walang kagatol-gatol na sagot nito sa anim na lalaking kaharap niya. Lahat naman sila ay napanganga sa tinuran ng binata.

"What the fuck?" napahilamos ng mukha si Sojie samantalang hindi parin makapaniwala ang iba na nagawa ng binata ang kanyang tinuran. Sino bang magtatangkang halikan si Yui? Well kung tatangkain man nila ay parang naghukay sila ng sariling hukay.

"Tarantado!" agad na sumugod si Kenji kay Yoh ng makabawi ito sa sinabi ng binata. Nagpakawala siya ng isang suntok na agad namang naiwasan nitong huli. Pumihit siya pakanan saka siniko si Kenji sa likuran nito at sinipa palayo sakanya.

"Enough." Si Tuguchie na tumalikod na sakanilang anim. Pero bago siya tuluyang umalis ay humarap ulit siya kay Yoh na sakto namang nakatingin sakanya.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon