TMH 50

1.7K 47 1
                                    

RAIDEN RYUSEI

Nilingon ko si Yui ng bigla niyang inihinto ang kotse sa harapan ng gate ng kanilang mansyon. Napakunot pa ang noo ko ng tumingin ako sa likuran at makitang halos kalahating kilometro na lang ay nandito na iyong mga sumusunod sa amin. Pero kahit na ganoon ang sitwasyon ay isinandal ko nalang iyong ulo ko sa headboard ng inuupuan ko saka sumipol. Ilang segundo lang ay may narinig akong pag sabog. Tinignan ko iyong rearview mirror at nakita ko kung paano nahati sa tatlo iyong mga sasakyang sumunod sa amin dahilan nang pagsabog ng mga ito.

Pagpasok namin ay agad na tumakbo sa harapan ng sasakyan sina Yoh at Aden, Paniguradong nagising sila ng pag sabog. Pagkababa ni Yui ay bumaba na din ako.

"Clean the mess, Ayumi." utos ni Yui kina Ayumi at sa mga kasamahan niya saka siya tumuloy sa pagpasok sa mansyon. Matutulog na 'yon, mag aalas singko palang ng umaga.

Mamaya na din pala yung retreat naming mga seniors sa tagaytay. Mukhang magiging masaya ang isang linggo ko. Retreat huh?

Mag aalas diyes na ng gabi ng makarating kami sa retreat house. Kumain lang kami pagkatapos ay ibinigay na samin ang mga room number namin.

Dalawa kami ni Aden sa kwartong ibinigay sa amin. Kung minamalas nga naman ay iyon ang kwartong nasa building four, malayo sa amazona na nasa building one, balak ko pa naman sana siyang guluhin mamaya.

Pero hindi ko aakalain na siya yung manggugulo sa'kin ngayong gabi dahil pagkatapos kong maligo at lumabas ng banyo ay nakita ko siyang nakaupo sa kama ko habang si Aden ay ngumisi sa akin ng makita ako.

"Dude! Maiwan ko na kayo." tumayo si Aden at binitbit ang maleta niya palabas ng kwarto. What the fuck?

Kung hindi pa hinagis ni Yui sa akin ang isang unan ay hanggang mamaya pa ko tulala sa pintong pinaglabasan ni Aden.

"May dala kang laptop?" tanong ng amazona at humilata sa kama ko. Lumapit ako sa bagahe ko at kinuha yung mini laptop na dala ko.

"Sigurado kang dito natin gagawin to?" Nakangisi kong tanong sakanya saka inihagis yung laptop sa kama dapat ni Aden habang pinupunasan yung buhok kong basangbasa pa. Buti hindi pa ko nagsuot ng pang itaas na damit.

"Baka gagawin mo." Aniya at nag unat. Tss mukhang tutulugan ako ng amazona. Hindi man lang tinablan ng abs ko.

Sinalo ko yung chip ng hinihagis niya ito sa ere pagkatapos ay binuksan ko yung laptop at sinaksak iyon doon.

"Oh fuck!" nanlaki yung mata ko ng bigla nalang nag blockout yung screen ng laptop ko. Tangna nandoon lahat ng mga videong dinownload ko.

Napabangon si Yui dahil sa mga mura ko. Tapos naiiling siyang lumipat sa kama ko at iniharap sakanya yung laptop.

"It's working." Aniya kaya tinignan ko siya ng masama. Anong it's working ang pinagsasabi niya, nasira nga yung laptop ko tsk.

"Yeshica install a virus in the chip para hindi mahack yung laptop mo." sabi niya pagkatapos ay bigla nalang ulit bumukas yung laptop ko. Mabuti naman.

--
AYUMI

Pagkatapos kong magbihis pantulog ay lumabas ako ng kwarto para puntahan si princess. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa mga nangyari. Hindi na naman nagsasabi yung isang yun. Mag isa lang naman siya sa kwarto niya kaya makakausap ko siya ng maayos.

Kumatok ako ng tatlong beses at laking gulat ko ng makita si Aden with only his towel na nakapalupot sa kanyang bewang ang bumungad sa'kin pagkabukas ng pinto. Mukhang kakagaling lang niya sa banyo.

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now