TMH 27

2.1K 68 1
                                    

AUTUMN CLARK

Ramdam ko ang paghabol ng dalawang bruha sa akin. At mas nararamdam ko ang patuloy na pagdaloy ng luha sa aking mukha. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo para hindi nila ako maabutan.

Jeez! hindi pwedeng makita nila akong umiiyak. Paniguradong pangaasar lang naman ang matatanggap ko kay Ysa at Zam, lalo naman kung si Yui ang makakita.

Parang sirang plaka na paulit-ulit na nag re-rewind sa utak ko yung halikan nila sa rooftop nang maalala siya. At bakit ba ako umiiyak? Nakita ko lang naman silang naghalikan sa harap ko. Bakit ba ako nasasaktan eh hindi ko naman boyfriend ang kwagong panget na yon? Nakakainis!

Tumigil lang ako sa pagtakbo nang mapagtanto ko na wala ng nakasunod pa sa akin. Napaupo ako sa damuhan bago iniikot ang paningin sa paligid. Nyeta bakit dito pa ko dinala ng mga paa ko? Seriously? Dito sa ilalim ng punong ito ko ulit siya nakilala. I remember him now. Siya yung kasama ni Hershey noon sa fast food. Doon ko siya unang nakilala.

Dito nagsimula ang lahat. Napahawak ako sa labi ko ng maalala ang ginawa kong paghalik sa kanya noon. After that lagi na niya kong pinepeste, lagi siyang nakasunod para asarin at guluhin ako.

Isa siyang malanding kwago! Gusto niyang makipaglaro kaya pinagbigyan ko lang siya, pero hindi ko inaasahang babagsak ako at matatalo. At mukhang walang sasalo sa pagbagsak ko. Nakakainis ni hindi ko nga alam kung ano kami. MU? Ni hindi man nga niya sinabing gusto niya ko, how could it be?

We go out and kissed pero wala lang pala ang mga iyon sa kanya. Bakit ko nga ba inisip na meron eh isa rin siyang casanova. All for him was just a fucking game. I should've known that dahil dun din ako magaling. But he changed me. Siya ang nagbigay ng pag-asa sa akin para maniwala ulit sa love.

I'm so stupid to think na may gusto rin siya sa akin. Na may ibig sabihin lahat ng halik niya. He never did say he likes me at ako naman itong umasa. Pero kahit anong gawin ko hindi ko maiwasang hindi magalit sa kanya. Shit paasa e.

At bakit siya pa? Bakit si hershey pa? Kaibigan ko siya diba? Hindi dapat ako magalit sa kanya dahil una sa lahat hindi ko pagmamay-ari si Yoh. Hindi naman ako ipokrita, kaibigan ko siya pero nasaktan ako eh. Inamin ko sa kanila ang nararamdaman ko kay Yoh tapos ganito? Bakit hindi niya sinabing nagkakamabutihan na sila? Masisisi ba nila ako kung magalit din ako sa kanya?

Ikinuyom ko ang mga palad ko nang maaninag sa harapan ko ang isang tao. I know its him. Amoy pa lang niya kabisado ko na kahit hindi ko na siya tignan. Amoy kwago eh. Hindi ako bitter ha!? Totoo yon. Hmp! Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan. Dapat ko bang tanungin kung kumusta ang date nila at kung masarap bang halikan si Hershey kaysa sakin? Jeez!

"Go away. Find another place. I came here first." Mariin kong sabi nang maramdaman ang paghakbang niya palapit sa akin. Ayoko siyang tignan kaya nanatili akong nakayuko lang at matamang nakikipagtitigan sa mga damo.

Tumawa lang siya sa sinabi ko at umupo sa tabi ko. Kahit na nakayuko ay naaaninag ko sa gilid ng mata ko ang perpekto nyang mukha.

"Parang pamilyar sa akin ang pangyayaring to." Nakangisi niyang saad habang ang isang kamay niya ay nakahawak pa sa baba niya na tila nag-iisip.

Nararamdaman ko ulit ang pamumuo ng mga luha sa sulok ng aking mga mata. Mabilis akong tumayo at akmang aalis nang mapatigil ako sa sinabi niya.

"It will end soon." Makahulugan niyang sabi. Nangunot ang noo ko.

Tumakbo ako palayo. Nagpapasalamat na rin ako at hindi na niya ko sinundan. Hindi ko pa siya kayang kausapin ngayon kahit na gustong gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin niya sa sinabi niya.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon