TMH 59

1K 30 0
                                    

JASZHINN TAN

"You want me to save your ass?" Natatawang sabi ni Yui.

Naikuyom ko ang aking kamao. Alam kong mali itong ginagawa ko ngunit wala na akong pagpipilian kung hindi siya na lamang.

"Then you have to shoot me infront of him." Malamig na sabi niya. Naguluhan ako roon sa sinabi niya ngunit ngayon ay alam ko na kung bakit.

Mawawala lamang ang atensyon ni Ghrunt sa paligid kung alam niyang hindi na makakalaban si Yui sakaniya.

Ngunit hindi ko pa man ginagalaw ang gatilyo ay may nagpaputok na sakaniya. Inilinga ko ang aking paningin sa paligid at doon ko nakita ang isang tauhan nito sa isang building.

"Anong ginagawa mo?!" Hinawi ni Cahrys ang kamay kong nakahawak sa sniper gun.

"Im not doing anything." Sabi ko.

"Then do something! Dumadami na ang mga Triad Mafia'ng nakakapasok sa EU!" Natulala ako saglit sa pagkakasigaw niya bago kumilos.

--
ERIC

"Hey!" Bungad ko kay Yui sa kabilang linya.

"May nakapasok na ungas sa EU at may itinanim itong mga bomba sa bawat building." Aniya.

"Madali ko lang mapapahinto ang mga iyon---"

"No. Let the bomb explodes but be sure that no one--"

"Oo. Walang masasaktan!" Natatawang sabi ko. Kung pinutol niya ang sasabihin ko ay puputulin ko rin siya. Hahahaha!

"It's good then. I will Hang up now."

Pagkatapos kong maisagawa ang iniutos niya sa akin ay napagtanto ko kung sino talaga ang kalaban namin sa labang ito.

Nagmadali akong sumunod kay Yui sa Japan. Nasa airport pa lamang ako ay nakausap ko na si Cahrys sa cellphone at doon ko na kumpirma ang hinala ko.

Ang gagong iyon ay nakita kong nasa gilid lang ng puno at nakikinig sa usapan nina Yui at isang lalaki.

Isang shuriken ang inihagis ko patungo sakaniya ngunit hinarangan iyon ni Raiden. Tumakbo papalayo ang gagong si Ghrunt at mabilis ko siyang sinundan ng pigilan ako ni Raiden.

"One more move and i'll spend all the remaining bullets to your head." sabi niya. Naramdaman ko ang pag lapit nito sa akin.

"Turn around." utos niya pero hindi ako kumilos para harapin siya. Tsk.

"Gago ka ba? Kakasabi mo lang na isang galaw ko pa, papasabugin mo ang ulo ko." sabi ko at doon lamang ako humarap sakaniya.

"Kung hindi mo lang sana hinarangan iyon, malamang ay hindi na siya mahihirapan pa." sabi ko at iniwan na siya doon.

"Bumalik ka ng EU at siguraduhin mong aayon sa kaniya lahat ng plano." Sabi ni Yui ng magkita kami sa gabing iyon.

Nauna pa pala itong malaman sa akin ang nalaman ko.

"Hindi ka pa ba babalik?" Tanong ko.

"Kailangan kong tapusin ang trabaho rito. At isipin niyang wala parin akong alam sa plano niya kung mananatili ako rito."

Iyon ang huling pag uusap namin.

Pinunasan ko ang gilid ng aking labi bago tumayo at muling lumaban nang dumating na ang mga tauhan ni Mr. Chikama.

Iniikot ko ang aking paningin sa paligid at huminto iyon kay Patrick na bitbit si Yui. Shit! Patakbo akong lumapit sakanila.

Nagpaulan ako ng mura ng makita ang kalagayan ni Yui pati na sina Ysa, Zam at Autumn. Tangina mukhang sila ang pinuntirya nila.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon