TMH 8

5.3K 156 8
                                    

SOMEONE's POV

[5pm at Exile Tower]

Some Voices woke me up. I always sleep here at peace but now who the fuck will enter my place at this time. I sat down on the chair and look down only to see Yelsha of LDR gang. Nasa taas na bahagi ako ng tower kaya hindi nila ako napansin at masyadong madilim sa lugar ko para makita pa nila ako.

"Ang tagal naman! Tsk." She put her ass on the edge of the stage and brush her hair using her fingers.

"Gaga kakadating mo lang, matagal agad?" Julia entered with the others. So they are all here.

"Hoy sigurado ka bang nakausap mo na ang principal? Baka mamaya nanjan mga Student Council." Nag-aalangang tanong ni Christoph kay Janelle.

"Ako pa?" nakangising sagot naman ng dalaga sakanya. Sumandal ako sa upuan at napangisi. Another lame fight of them. Sino na naman kaya ang makakalaban nila?

"Inuman tayo pagkatapos natin mabugbog yung mga itlog na yun haha!" si Jeffrey na abalang nag-uunat.

"Sa Hunter's Club tayo! Magaganda chix dun pre!" Eric said and turn his back to Mizuka.

"Maganda pala hah!" hinampas siya ng bangko ni Mizuka, buti nalang at agad na naka-ilag ang ito kahit na siya'y nakatalikod.

"Tsk. Mizu ilang beses ko bang sasabihin na wala kang pag-asa sakin?" napahikab ako at nag uunat na walang ginagawang ingay.

"Lalamunin mo din yang sinasabi mo. Bwisit!" inis na umupo si mizuka sa sulok at kinuha ang phone nito.

Biglang sumagi sa isip ko ang amazona. Nakauwi na kaya siya?

"Pre yung mga babae di sinasaktan pero kung masyado ng makulit saktan mo na haha!" biro ni Ralph at nag apiran pa ang dalawang gago.

"Mga gago. Umayos kayo!" pinag-untog ni Cahrys ang ulo ng dalawa ng narinig ang usapan nila. Magka-ugali sila ng amazonang babae na iyon.

"Sorry na madam!" Ralph and Eric are really pain in the ass to her.

"Hahaha mag ingat kasi kayo sa mga salitang bibitawan niyo. Alam niyo naman si bangsit." tawa ni Jhaszhinn sa ginawa ng kanyang girlfriend. Lumapit sakanya ang gagong si Ralph at may ibinulong.

"Ralph rinig na rinig ko yang bulong mo!" banta ni Cahrys sakanya kaya tumahimik na lang siya sa sulok kung ayaw nitong mabugbog bago pa dumating ang makakalaban nila.

"Ang gago mo kasi! nagmamarunong sa direksiyon di naman pala maalam!" Yeshica entered while pinching the right ear of Saichi. So it's LDR versus TOD huh? Interesting. Kasunod nila ang iba pa.

Naghintay ng ilang saglit ang mga mata ko sa pintuan, naghihintay sa pag pasok niya ngunit mukhang wala na silang ibang kasama.

"Let's start the party?" Kenji smirks and in seconds Ralph is infront of him kicking his chest. Dahil sa gulat ay hindi iyon naiwasan ni Kenji kaya siya natumba.

Mukhang kahit papaano ay masisiyahan ako ngayon.

"Ow dude! Focus! Wag mong sabihing papatalo ka sa bisugong yan?" pang-aasar ni Saichi na kasalukuyang nakikipaglaban kay Eric.

"Fuck you!" si Kenji na tumayo at sumipa rin kay Ralph na mabilis namang nakaiwas.

Mabilis siyang tumalon at pinuntirya ang likod ng isa na siyang nagpasubsob sa mukha nito sa sahig. Ngunit agad itong nakabawi at umikot patalikod.

"Oh? ano sabunutan lang kaya mo?" tanong ni Ayumi habang hawak ni Jo Hannah ang buhok niya. Sinuntok niya ito sa sikmura, umikot ito at binuhat ang dalaga saka hinampas sa pader.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon